Balita

‘Bubble Gang,’ seryoso ang role sa Philippine society

- Ni DINDO M. BALARES

SASABIHING nagpapataw­a lang ang Bubble Gang pero may nobility rin ang role nilang ito sa Philippine society. Hindi kasi tulad ng iba na insultong pinagmumuk­hang jokes ang inihahatid nila sa mga manonood. Sumasalami­n sa mga nagaganap sa lipunang

Pinoy at sa mga prominente­ng personalid­ad ang comedy skits nila.

Ikinasa sila sa gabi ng Biyernes, sa pagtatapos ng isang linggong pagsabak sa trabaho ng work force, at hindi na natinag kailanman sa timeslot.

Sila ang tagatangga­l ng pagod at stress ng mga kababayan natin. Walang duda na epektibo sila sa role nilang ito. Sapat nang katunayan ang mahigit dalawang dekada nilang pamamayagp­ag sa ere. Sila na ang longest-running gag show ng Pilipinas.

Ang pagiging multi-awarded, kailangan pa ba namang banggitin? Sobra-sobra pa sa awards ang bawat pagod na Pilipinong napapahala­khak nila tuwing Biyernes ng gabi. May big celebratio­n na inihahanda ang GMA Network para sa 23rd anniversar­y ng Bubble Gang.

“Maraming salamat,” sabi ni Michael V nang humarap ang gang sa media kahapon, “after all these years, ang iba nagsawa na, biro lang, hindi nagsawa, walang nagsawa, marami pa ring nanonood sa amin.”

Naibahagi rin ni Bitoy na bagamat nagbabago ang taste ng publiko sa showbiz, nagagawa pa rin nila itong sabayan.

“Makikita sa Bubble Gang ang evolution ng Filipino humor, lalong humihirap kasi lagi nang binabantay­an kung kailan kami magkakamal­i.”

“Pero hindi kami nagpapapig­il sa mga bashers,” salo ni Paolo Contis.

“At saka kahit umabot na kami sa Digital Age, kahit ‘di nakapanood ang younger viewers, pag may nag-viral na content, hinahanap nila,” sabi naman ni Boy Quizon. Mabilis ang sagot ni Archie Alemania kung bakit tumagal ang gag show nila.

“Dahil kay Michael V,” aniya. “He’s a good leader because he listens to everyone.” “Dahil andito ako,” sabad naman ni Diego Llorico. “Joke lang. Dahil hindi korni ang mga jokes namin, napapanaho­n. At dahil nga po sa akin.”

“Binanggit na rin lang ako, babanggiti­n ko rin ang creative group na sumasabay sa panahon kaya ‘di kami iniiwanan ng viewers,” wika ni Bitoy. Ang masayang set at samahan naman ang itinurong dahilan ni Antonio Aquitania.

“Ano’ng meron, makikikain lang ako,” sabi ni Direk Bert de Leon, na dumating habang nagaganap na ang open forum. “Sa tagal ko na rin sa industriya ‘yung pagpasok ko sa Bubble Gang, everybody made it easy, ‘yung transition. Natatandaa­n ko, pag-upo ko sa production, nagsabi lang si Bitoy, ‘O, Direk, ikaw na.’

Doon mo makikita kung gaano katatag ang grupo. I guess the biggest the problem, I dont know if it’s really a problem - ‘yung control.

Kasi sobrang saya, eh. As long as naihahatid mo ‘yun sa viewers, okay ang show.”

Kumpletong humarap sa media ang buong cast ng Bubble Gang, kaya bukod sa mga nabanggit na, present din si Betong Sumaya na napakahusa­y na host ng presscon at sina Sef Cadayona, Mikoy Morales, Jak Roberto, Juancho Trivino, James Macasero, Roadfill, Chariz Solomon, Kim Domingo, Valeen Montenegro, Jackie Rice, Denise Barbacena, Lovely Abella, Analyn Barro, Arra San Agustin, Arny Ross at Myka. Ipapalabas ang special na Bubble Gang telemovie na isinulat ni Caesar Cosme at idinirihe ni Bert de Leon sa November 23.

 ??  ?? Cast ng ‘Bubble Gang’
Cast ng ‘Bubble Gang’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines