Balita

Angge, hands-on sa pagaalaga kay Mama Bob

- Reggee Bonoan

ANG sarap sigurong maging anak ni Angeline Quinto dahil pinagsisil­bihan niya to the max ang adoptive mom niyang si Mama Bob.

Kung hindi kami nagkakamal­i, lola niya si Mama Bob pero dahil ito ang nag-aruga sa kanya simula bata ay ‘mama Bob’ na ang tawag niya.

Laging isinasama ni Angeline ang mama Bob niya sa lahat ng kanyang shows sa Pilipinas. Maging sa regular shows niya sa ASAP at I Can See Your Voice ay kasama niya ito para bantayan, kasi ayaw niyang iwanan at mainip ang lola sa bahay.

May mga video post si Angeline na kinukulit o binibiro niya ang mama Bob niya at makikitang napipikon minsan ang matanda at lalayasan siya. Pero iyon ang paraan para maipakita sa lahat kung gaano kamahal ng mang-aawit ang taong pinagkakau­tangan niya ng kanyang buhay.

Habang tinitipa namin ang balitang ito ay dumaan sa Facebook feed namin ang litratong sinusubuan ni Angeline ng pagkain ang mama Bob niya.

Ang caption, “Audition Days. Sa lahat ng mga singing contest na nasalihan ko, ganitong-ganito si Mama Bob sa akin noon. Ngayong siya na ang kailangan kong alagaan kahit kasama ko siya sa trabaho, ako palagi ang magpapakai­n at aalalay sayo Ma. #ICanSeeYou­rVoicetapi­ng #ThankyouLo­rdforevery­thing.”

Umani ng maraming papuri ang post na ito ni Angge (tawag namin) at iisa ang mensahe sa kanya ng kanyang supporters, sana ay lalo pa siyang pagpalain ni God.

 ??  ?? Mama Bob at Angeline
Mama Bob at Angeline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines