Balita

R500k worth of prizes, hinakot ng Queen of QC

- Nora V. Calderon

SA full-packed na UP Theater Villamor Hall sa UP Diliman, Quezon City ginanap ang grand coronation night ng Queen of Quezon City 2018 pageant nitong Sabado ng gabi. Maganda ang ginawa ng QC Pride Council, na binigyan ng kani-kanilang lugar ang mga kabarangay ng 23 official candidates ng LGBT beauty pageant.

Objectives ng “Our City Pride” ang “recognizin­g gay citizens as productive members of the city community”, na ang Quezon City ang showcase at model of a progressiv­e and democratic local government unit, worthy of emulation.

Nagsilbing pageant hosts si 2002 Binibining Pilipinas Karen Agustin at ang TV host na si Paolo Bediones.

Mabilis ang presentati­on ng23candid­atesrepres­enting each barangay. Sumunod ang pagrampa ng bawat kandidata suot ang creative costumes, na inspired ng butterflie­s. Nanalo ng Best in Creative Costume si Pamz Diaz, ng Barangay Gulod.

Sumunod na inirampa nila ang one-piece swimsuit, na winner naman ng Best in

Swimsuit si Casey Banes Paculan, ng Bgy. Pinyahan. Nanalo rin siya ng Simply G Award, Darling of the Press—presented by columnist Jun Nardo—at Miss Photogenic. Nang rumampa ang mga kandidata in long gown, si Casey din ang nanalo sa Best in Long Gown. Winner din siya ng WEMSAMP Choice Award.

Ang iba pang special awards winners ay si Naomi Fontanes, ng Bgy. UP Village na nanalo ng Above Sea Level at Best in Talent; Miss Friendship si Samantha Garcia, ng Bgy. Bagong Silang; at Queen of Social Media si Louise Manalo, ng Bgy. San Roque.

Pumili muna ng Top 12 semi-finalists, at mula sa kanila ay pinili ang Top 4, na iisang question lang ang itinanong sa kanila.

Waging Queen of Quezon City 2018 si Casey Banes Paculan, Lady Pride si Rami Hannash, Lady Respect si Pamz Diaz, at Lady Equality si Glen Antolin, ng Bgy. Sta. Monica .

Bilang big winner, tumanggap si Casey ng P300,000 cash prize, at wardrobe worth P200,000, habang ang tatlong runners-up ay nag-uwi ng P100,000 cash each and crown. Lahat din ng nanalo ng special awards ay tumanggap ng correspond­ing cash prizes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines