Balita

Fans ni Demi Lovato, rumesbak sa fat shamers

-

NAGING mahirap ang mga nakalipas na buwan para kay Demi Lovato, na nakaligtas sa neardeadly overdose noong Hulyo. Ngunit matapos ang 90 araw sa rehab, muli nang nagbalik ang 26 taong gulang sa mata ng publiko.

Nitong linggo, nag-post sa Instagram ang Confident singer para ibahagi ang litrato niya na masaya at malusog, at nakaabot para bumoto sa U.S. midterm elections.

“I am so grateful to be home in time to vote!” caption niya sa larawan.

Ito ang unang post niya sa social media simula nang maospital, at heto nga, namataan ang kamakailan ang singer sa Los Angeles, na bumibili ng kape pagkatapos mag-workout. Ang healthy habits na ang pinagtutuu­nan ng pansin ng dating Disney star.

Ayon sa source, ang goal ni Demi ay “(to) live a more relaxed lifestyle before she dives back into working.”

Kahit masaya ang fans na makitang malusog si Demi, hindi pa rin nakaligtas ang star sa mga pangunguty­a tungkol sa kanyang timbang.

“Damn she got fat,” komento ng isang follower. “She turkied up,” dagdag pa ng isa.

“Looks like she gave up drugs for food,” singit ng isa pang basher sa picture ni Demi. “Should start doing meth to keep thin.”

Hindi naman nagpatalo ang fans ni Demi at panay ang pagtatangg­ol sa singer.

“Better to gain weight and be alive than be skinny and on drugs, you people are so cruel,” post ng isang supporter. “After all she’s been through and her weight is all people can dwell on.”

“She looks amazing and people need to stop bullying her,” sabi pa ng isa.

“She is still a beautiful person inside and out and I am so proud of her <3 Be kind to her please.”

Ang tungkol sa timbang ni Demi at kanyang stretch marks at cellulite ang binigyang-pansin at buong pusong inihayag ni Demi sa kanyang Instagram noong mga nakaraang buwan nitong taon. “I have cellulite just like the other 93% of women do. What you see on Instagram isn’t always what it seems to be. Let’s embrace our real selves,” post niya nang mga panahong iyon, ulat ng People.

 ??  ?? Demi
Demi

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines