Balita

Bahay ni Gerard Butler, ‘di nakaligtas sa sunog

-

TA T L O N G mapaminsal­ang California wildfire — dalawa sa south at isa sa north — ang gumulantan­g sa halos isang milyong katao, na napilitang lumikas sa kanilang mga bahay para makaiwas sa disgrasya, at maraming bahay ang tinupok at nilamon ng sunog, ulat ng People.

Ayon sa Cali Fire, inihayag ng mga bombero sa northern part ng bansa na nakikipagl­aban sa sunog – na tinatawag na Camp Fire

— na nitong Linggo ng umaga, aabot na sa 109,000 ektarya ang tinupok ng sunog at 25 porsiyento lang nito ang naapula.

Sa press release nitong Sabado, kinumpirma ng Butte County Sheriff’s Office ang bilang ng mga nasawi at nasugatan, na umabot na sa 31. Mahigit sa kalahati nito ang natagpuan sa city of Paradise.

Dagdag pa rito, ang Woosley Fire, na nakaapekto sa mga residente ng Ventura at Los Angeles, ay kumalat ng 83,275 ektarya at 10 percent lamang nito ang naisalba, batay sa datos hanggang nitong Linggo ng umaga, ayon pa rin sa Cali Fire.

Ang Hill Fire naman, na sumiklab ilang milya ang layo mula sa lugar kung saan 12 katao ang napatay sa mass shooting, ay kumalat na sa 4,531 ektarya nitong Linggo at 70% dito ang naligtas.

Samantala, sinuwerte naman ang ilang celebritie­s, kabilang sina Kourtney Kardashian at Alyssa Milano, na hindi nahagip ng sunog ang kanilang mga bahay, ngunit hindi lahat ay naging kasing suwerte nila.

Nitong Sabado, ibinahagi ng buntis na girlfriend ni Robin Thicke, si April Love Geary, sa kanyang Instagram Story na nasunog ang bahay nilang dalawa sa Malibu.

“Our house is gone,” post niya kasama ang larawan ng natupok na gate ng kanilang bahay.

Una nang ibinahagi ni Robin ang makapal at maitim na usok na malapit sa kanilang bahay, “Our home is just to the left! Praying.”

Ibinahagi rin ng dating Real Housewives of Beverly Hills star na si Camille Grammer sa social media na natupok din ng apoy ang bahay niya.

“Sadly my house couldn’t be saved,” post niya sa Instagram, kasama ang picture ng kanyang bahay nilalamon ng apoy.

“The courageous firefighte­rs were able to save my cars and personal items recovered from my home. I thanked the fire captain and his team of fireman for all of their hard work,” dagdag pa niya. “Sad we lost our home but grateful that my family is safe.”

“Luckily we quickly evacuated our house yesterday after a patrol car drove up the street announcing mandatory evacuation­s. I’m grateful for my lovely neighbors and friends who kept me informed and for their help this evening,” dagdag pa ni Camille. “Thank you all for caring.”

Nang bumalik sa kanyang bahay sa Malibu nitong Linggo ay ipinost ni Gerard Butler ang larawan ng kanyang sarili habang ipinakikit­a sa likod ang mga natirang bahagi ng natupok niyang bahay.

“Returned to my house in Malibu after evacuating. Heartbreak­ing time across California. Inspired as ever by the courage, spirit and sacrifice of firefighte­rs. Thank you @LAFD,” aniya. “If you can, support these brave men and women at http://SupportLAF­D. org.”

Maraming celebrity, kabilang ang Kardashian­s, sina Lady Gaga at Will Smith, ang napilitang lumikas mula sa kanilang bahay para iligtas ang sarili sa sunog.

 ??  ?? Gerard
Gerard

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines