Balita

Kinumpirma­ng patay sa DNA test, umuwi

- OC

Halos atakihin sa puso ang mga kamag-anak ng 63-anyos na si Aigali Supugaliev ng Kazakstan nang umuwi ito sa kanilang tahanan dalawang buwan matapos mailibing ang katawan nito. Bagamat karaniwan na ang mga kuwento kung saan inakala lamang ng pamilya na patay na ang kanilang kamag-anak, naiiba ang kuwento ni Aigali dahil ang kanyang pagkamatay ay kinumpirma mismo ng DNA test.

Nagsimula umano ito nitong Hulyo ng iulat ng kamag-anak ni Aigali ang kanyang pagkawala. Lingid sa kaalaman ng mga ito na nakakuha ng apat na buwang trabaho si Aigali sa isang malayong farm at hindi na niya ito nagawang ipaalam. Kaya naman ng may natagpuang naaagnas na katawan sa kanilang lugar, ipina-DNA test ng kanyang mga kamag-anak ang bangkay upang matukoy kung sa kanya nga ito. “Believe it or not” lumabas sa resulta ang “99.29% probabilit­y” na ang nadiskubre­ng katawan ay kay Aigali, kaya naman nailabas ang opisyal na death certificat­e nito, at ibinurol pa.

Kumbinsido ang lahat na inilibing nila si Aigali sa Zhuldyz distrito ng Atyrau, sa isang seremonya ng Muslim, ngunit makalipas ang dalawang buwan, nabuhay ang patay.

“When Aigali came home alive and healthy, my daughter Saule, seeing her ‘dead’ uncle, almost collapsed with a heart attack,” pahayag ni Esengali, kapatid ni Aigali. “The DNA analysis had confirmed this was my brother. We believed the results and conducted all the funeral and memorial rites. I spent so much money on it. But it is not even about the money. Who have we buried? Maybe his relatives are looking for this person.”

Bagamat labis ang tuwa ng lahat sa pagbabalik ni Aigali mula sa “pagkamatay” nito, hindi nila makalimuta­n ang DNA test kaya’t plano nilang sampahan ng kaso ang ekspertong nagsagawa dito.

Samantala, problema naman ngayon ni Aigali kung paano aayusin ang kanyang mga dokumento na idineklara­ng patay na siya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines