Balita

TATAND, nakiisa sa ‘unity act’ sa table tennis

- Ni EDWIN ROLLON

PINANGASIW­AAN ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagpupulon­g ng mga stakeholde­rs sa table tennis upang maisulong ang pagkakaisa at mabuo ang isang organisasy­on na tanggap ng lahat at may basbas ng PSC at Philippine Olympic Committee (POC).

“Natutuwa ako at medyo malungkot din kasi may mga kasama tayo sa sports na tila ayaw ng pagbabago at pagkakaisa. We’re trying hard to unite the table tennis community through a consultati­ve assembly, but sad to say, meron hindi dumating,” pahayag ni Ramirez.

Hindi nakadalo at walang kinatawan na ipinadala si Ting Ledesma , pangulo ng Philippine Table Tennis Federation (PTTF), sa ‘consultati­ve meeting’ na ipinatawag ni Ramirez. Ang naturang pagpupulon­g ay bahagi ng programa ng PSC na mabigyanng resolusyon ang hidwaan ng mga grupo sa isang National Sports Associatio­n (NSA) at matugunan ang suliranin sa pagsumite ng ‘liquidatio­n’ sa kanilang mga cash advances sa pamahalaan.

“Gusto namis sa PSC marinig ang lahat ng hinaing. Ano ba ang dahilan ng gusot at bakit nahihirapa­n sila (NSA) na mag-liquidate sa PSC,” sambit ni Ramirez.

Sa kabuuan, may P120 milyon cash advances mula sa may 20 sports associatio­n ang hindi pa nali-liquidate sa pamahalaan.

“Kung ano ang mga problema, idudulog namin ito sa POC para mabigyan ng pansin at masolusyun­an. We need to settle all the difference­s kasi makakaapek­to ito sa paghahanda natin sa 2019 hosting ng SEA Games,” ayon kay Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na binigyan na ang PSC ng go signal ng Pangulong Duterte na isulong ang ‘no liquidatio­n, financial assistance’ sa mga NSA.

Sa naturang pagpupulon­g sa table tennis, dumalo angmga opisyal at kinatawan ng iba’t ibang samahan at organisayo­n sa sports tulad ng Table Tennis Associatio­n of the Philippine­s (TATAP) at ang pinakamala­ki at pinakaorga­nisadong Table Tennis Associatio­n for National Developmen­t (TATAND), na pinangunah­an ni honorary president Charlie Lim.

Kamakailan, nagpadala ng 26 na atleta ang TATAND sa Beijing, China para sa ‘Sports Exchange’ program at exhibition game sa mga atleta ng Beijing (Peking) University, Community University for Physical Education and Sports at Mejia University ng Japan.

Sa pagpupulon­g, iprinisint­a ng grupo kay Ramirez ang ‘proposed unified National election sa table tennis’ na naglalayon­g tuldukan ang problema sa liderato ng sports.

Anila, upang maiwasan ang krisis, isama sa election ang lahat ng lehitiming table tennis club kung saan kailangan ng mga ito na magsumite ng ‘notarized sworn affidavit’ para matukoy kung tunay silang makatutulo­ng sa asosasyon at hindi peke.

 ??  ?? ALL-OUT ang suportang ibinigay ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga sports associatio­n tulad ng table tennis sa ginanap na ‘consultati­ve assembly’ nitong weekend sa PSC Chairman’s executive room. Nasa larawan ang mga opisyal ng TATAND, sa pangunguna ni honorary president Charlie Lim (ikatlo mula sa kanan)
ALL-OUT ang suportang ibinigay ni PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez sa mga sports associatio­n tulad ng table tennis sa ginanap na ‘consultati­ve assembly’ nitong weekend sa PSC Chairman’s executive room. Nasa larawan ang mga opisyal ng TATAND, sa pangunguna ni honorary president Charlie Lim (ikatlo mula sa kanan)

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines