Balita

Akhuetie, may asim pa sa UAAP

- Marivic Awitan

Kinikilala­ng isang dominanten­g puwersa noong naglalaro pa sya sa University of Perpetual sa NCAA, inasahan ng dadalhin ng Nigerian slotman na si Bright Akhuetie ang University of the Philippine­s sa tugatog ng tagumpay sa pagpasok nya ngayong UAAP Season 81.

Sa kasalukuya­n, hindi pa naaabot ng Fighting Maroons ang target nilang wakasan ang 21-year Final Four drought ngunit nananatili namang nasa kontensiyo­n upang umusad sa susunod na round.

At noong Sabado sa pangunguna ni Akhuetie, inilapit nya ang UP sa naturang target na makausad sa Final Four round.

Nagtala ang 6-foot-8 slotman ng double-double 25-puntos at 18-rebounds upang pamunuan ang UP sa 83-69 paggapi sa University of Santo Tomas na ganap na ding nagpatalsi­k sa huli sa kontensiyo­n sa pinag-aagawang Final Four spot.

Dahil sa kanyang outstandin­g performanc­e nakamit ni Akhuetie ang Chooks-to-Go Collegiate Sports Press Corps UAAP Player of the Week award.

Nangunguna rin sa labanan para sa Season MVP, sa loob ng 13 laro ay mayroon syang average na 19.1 puntos, 14.2 rebounds, 3.0 assists, 1.2 steals at 1.0 blocks bukod pa sa impresibon­g 60.7 percent shooting.

Tinalo nya para sa lingguhang citation sina Far Eastern University stalwarts Arvin Tolentino at Kenneth Tuffin, National University center John Lloyd Clemente, Ateneo forward Thirdy Ravena at Adamson skipper Sean Manganti.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines