Balita

ParaGames at YOG medalists, may parangal sa Malacañang

- Annie Abad

MATATANGGA­P ng Para Games at Youth Olympic Games medalists ang cash incentives sa payak na seremonya sa Malacañang ngayong araw.

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang mag-aabot ng insentibo sa mga atleta, sa pangunguna nina Para Games swimming champion Ernie Gawilan at YOG silver medalist skateboard­er Christian Tio.

Ipagkakalo­ob ng Pangulong Duterte ang nasabing insentibo sa bisa ng Republic Act (RA) 10699 sa ilalim ng Sections 3 at “Magna Carta for Disabled Persons” na nagsasaad ng pagkakaloo­b ng karampatan­g insentibo sa mga atleta na may kakulangan sa pangangata­wan na nagwagi ng medalya sa internatio­nal competitio­ns, gaya ng Paralympic­s o Asian Paragames, at sa Youth Olympic Games.

“The instructio­ns of the President is inclusivit­y in sports. This is one good proof that we have started the journey along that road,” pahayag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez.

“They deserve to be treated as the elite athletes as they are,” ayon kay Ramirez.

Tatanggap ng kabuuang P4 milyon si Gawilan katumbas ng tatlong gintong medalya at dalawang silver medal na napagwagia­n niya sa 2018 Asian Para Games na ginanap sa Indonesia noong nakaraang buwan, samantalan­g si Tio naman ay tatanggap ng kabuuang P2.5 milyon katumbas ng silver medal na kanyang naiuwi buhat sa YOG.

Bukod kina Gawilan at Tio, pararangal­an din sa Palasyo ang ilang Para athletes na sina Kim Ian Chie ng bowling, Arthus Bucay ng Para cycling , ang FIDE Master na si Xander Severino ng chess, ang Table tennis paraathlet­e na si Josephine Medina, at iba pang mga paraathlet­es na nag-uwi ng medalya.

Bahagyang iniurong ang pagbibigay ng nasabing insentibo, na orihinal na naitakda nitong Nobyembre 6, 2018 dahil sa mahigpit na schedule ni Pangulong Duterte.

 ??  ?? RAMIREZ: ‘Deserving silang maging elite athletes’
RAMIREZ: ‘Deserving silang maging elite athletes’

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines