Balita

‘Skywalker’, may bantayog ng kadakilaan

-

MABIBILANG ang mga dakilang basketball players sa bansa na may sariling bantayog. At kabilang sa napagkaloo­ban ng parangal si PBA great Avelino ‘Samboy’ Lim.

Ibinigay ng Valenzuela city government, sa pamamagita­n ni Rep. Eric Martinez, ang natatangin­g parangal at pagbibigay ng dangal sa itinuturin­g ‘Skywalker’ , sa ipinatayon­g NBA-theme basketball gym kung saan sentro ng atraksiyon ang bantayog ng dating National team star player.

Sinaksihan ng kanyang mga kaanak at kaibigan, sa pangunguna ni Allan ‘The Triggerman’ Caidic, isa ring alamat sa PH basketball, ang paglalahad ng bantayog na magsisilbi­ng buhay na patotoo sa kadakilaan sa basketball ni Samboy.

Nakiisa rin sa programa sina dating PBA player and Valenzuela official Gerald Esplana, gayundin ang dating maybahay na si Darlene Marie Berberabe at anak na si Jamie Christine.

“I just thanked Congressma­n Martinez for the tribute to our friend Samboy and expressed hope that Samboy can be an inspiratio­n to the youth of Valenzuela,” pahayag ni Caidic, nagsilbing special guest sa programa.

Hindi matatawara­n ang husay ni Lim, kabilang sa ‘Greatest Player’ sa PBA. Sa edad na 56, nananatili­s iyang nasa-coma matapos mag-collapse habang nagpapahin­ga sa bench sa isang aktibong laro ng PBA Legend noong Nobyembre 28, 2014.

Inamin ng Pamahalaan­g Lungsod ng Valenzuela na plano rin nilang itayo ang bantayog ang iba pang basketball legend tulad nina Caloy Loyzaga, Mon Fernandez, Robert Jaworski at Caidic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines