Balita

Alaska, aasa sa nalalabing Aces vs Bolts

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (MOA Arena) 7:00 n.g. -- Alaska vs Meralco MAKALAPIT sa inaasam nilang ikatlong sunod na Finals appearance sa PBA Governors Cup ang tatangkain ng Meralco sa kanilang pagtutuos muli ng Alaska sa Game 2 ng kanilang best-of-five semifinals series ngayong gabi sa MOA Arena.

Target ng Bolts ang 2-0 bentahe sa pagtutuos nila ng Aces ngayong 7:00 ng gabi matapos ang tagumpay nila noong Game 1 sa iskor na 97-92 sa larong idinaos sa Ynares Sports Center sa Antipolo.

Ang panalo ang ikapitong sunod ng Bolts mula pa noong eliminatio­n round at “birthday win” para kay coach Norman Black na nagdiwang ng kanyang ika-61 kaarawan kahaponNob­yembre 12.

Muling sasandigan ng Bolts ang pamumuno ng kanilang super import na si Allen Durham na nagposte ng 32-puntos, 14 rebounds, 6 assists, at isang block noong Game 1 sa loob ng 39 minuto nyang paglalaro.

“It’s really a blessing when you have one guy who can do it on both offense and defense,” ani Black patungkol kay Durham.

Inaasahan din ang patuloy na magandang suporta kay Durham ng mga local crew ng Bolts sa pangunguna nina Chris Newsome was at Baser Amer.

Tiyak namang magkukumah­og bumawi ang Alaska upang maitabla ang serye at ibaba sa best-of-three ang kanilang duwelo.

“I’m not saying we are going to win the series or we are going to win the next game. But I do expect us to play right out of the gate with the right amount of effort,” pahayag ni Alaska coach Alex Compton.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines