Balita

Ika-88 labas

- R.V. VILLANUEVA

TAKA si Fermin na nakita pala ni Nenamia ang paghahanap niya ay hindi siya tinawag nito.

“Hindi kita puwedeng tawagin, Fermin,”sabi ni Nenamia. “Magagalit siya, ano ka ba?”

Ngayon malinaw na kay Fermin na ang siya na ilang beses nang nababanggi­t sa kanya ni Nenamia ay walang iba kundi ang asawa nito na si Ferminomio.

“Saan ang pa’no mo ako nakita?” “Narito ako sa bahay. Nakasilip sa bintana.”

“Pero hindi ko makita ang bahay ninyo, Nenamia. Kahit gaano ang ginawa kong paghahanap, hind ko talaga nakita.”

“Alam ko. Ang ibig kong sabihin, alam kong naghahanap ka. Kung ilang beses kong nakitang pabalik-balik ka. Taka nga ako sa iyo, Fermin... ang laki ng bahay naming, hindi mo nakita.”

May sasabihin pa si Fermin nang maramdaman niyang hinawakan siya ni Nenamia sa braso. |”Bakit?” naitanong niya. “Iparada mo na tabi,” tawa si Nenamia. “Sinabi ko na’t baka lumagpas tayo, e.”

Parang nagulat pa si Fermin. Bakit ngayon lang niya napansin? Naroon na nga sila sa tapat ng isang loobang nakilala niya. Batay nga sa natandaan niya, iyon ang bahay na pinaghatir­an niya noon kay Nenamia.

Hindi talaga mawala ang pagtataka niya. Kanina, kahit nag-uusap sila ni Nenamia, hindi na nawala ang pagtingin niya sa dinaraanan nila. Wala talaga siyang nakitang bahayan sa gilid ng daan. Bigla na lamang bang lumabas ang loobang ‘yon?

“O, ano pa’ng hinihintay mo, senyor?” Para siyang nagising sa pagtulog nang dumikit nang husto sa kanya si Nenamia.

Hindi napigilan ni Fermin ang kanyang sarili. Niyakap niya si Nenamia. Mahigpit. Mahigpit na mahigpit. At hinalikan niya ito. Sa bibig!

Nagpaubaya si Nenamia. Ibinuka ang bibig. Nginabnab ng husto ni Fermin ang bibig ni Nenamia. At nag-arnis ang kanilang mga dila. Nag-iinit pa rin tulad noon ang bibig ni Nenamia. Ngunit hindi kayang mtalunin ng init na iyon ang init ng pagnanasan­g nararamdam­an ni Fermin. A, hindi siya nakaranas ng pagkahayok sa laman tulad ng naramdaman niya ng mga sandaling iyon!

Marahan siyang itinulak ni Nenamia at natanggal ang pagkakahin­ang ng kanilang mga labi.

“H’wag dito,” sabi ni Nenamia sa boses na halatang nanunukso.

“Hindi tayo magiging kumportabl­e rito. Do’n tayo...”

Naunan nang nakababa ng sasakya si Nenamia.

Hindi agad nakasunod si Fermin. Pakiramdam niya, nangingini­g ang kanyang mga tuhod. At isang katiyakan, may nagalit. Na sa tindi ng galit ay nagsuka! At isiping halik lang ‘yon!

“Hindi ka yata makatayo, Senyor!” Tumawa si Nenamia ng tawang nanunukso na waro ay alam nito ang talagang nangyari sa kanya.

Nakaipon din siya ng lakas para makatayo.

Magkaagapa­y na sila ni Nenamia papasok sa nakabukas na gate. Para silang kamabal na katawan sa paglalakad papunta sa landas na humahanton­g sa pinto ng malakastil­yong bahay. Nakapulupo­t ang mga kamay nila sa isa’t isa. Para bang ayaw nilang makawala sa isa’t isa.

Nag-iinit na naman ang dugo ni Fermin. Buhay na buhay na naman ang kanyang pakiramdam. Buhay na naman ang kaninang namatay. Aaminin niya. Maging noong unang gabi nila ni Nena, hindi siya nakadama ng ganoong katinding pagnanasa.

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines