Balita

Retired cop, tiklo sa boga

- Martin A. Sadongdong

Isang retiradong pulis ang inaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang makumpiska­han ng iba’t ibang ‘di lisensiyad­ong baril, bala at pampasabog sa bahay nito sa Caloocan City, nitong Lunes.

Kinilala ni NCRPO Director Guillermo Eleazar ang suspek na si retired Police Officer 3 German Riogelon, alyas Jun Muslim; at Boy Muslim, 56, ng Pangarap Village, Barangay 181, Caloocan City. Bilang pulis sa Caloocan City Police, naharap siya sa iba’t ibang kaso kabilang ang robbery extortion, unlawful arrest at arbitrary detention.

Dinampot si Riogelon ng mga tauhan ng NCRPO’s Regional Special Operations Unit (RSOU) sa bahay nito nang hainan ng search warrant na inisyu ni Judge Raymundo Vallega, second vice executive judge sa Regional Trial Court Branch 130 sa Caloocan City, dakong 5:00 ng madaling araw.

Ayon kay Eleazar, nang dumating ang mga pulis sa bahay ni Riogelon, sinabi ng live-in partner nito, si Analiza Acta, na wala ang kanyang mister sa bahay at pinigilan ang mga awtoridad na pumasok sa bahay.

Gayunman, ipinatupad pa rin ng mga pulis ang search warrant at nadiskubre­ng nagtatago si Riogelon sa loob ng bahay.

Nakuha sa operasyon ang M16 rifle, dalawang .45 caliber pistol, isang .38 caliber revolver, isang granada at iba’t ibang bala. Nang hingan kaukulang dokumento, walang naipakita si Riogelon.

Suspetsa ng NCRPO, ang mga nakumpiska­ng baril ay ginamit ni Riogelon sa pagmamanti­ne sa illegal gambling den.

AyonkayEle­azar,nagretiros­iRiogelon noong Hunyo 2018 at nagsasagaw­a sila ng follow-up investigat­ion upang malaman kung nagtatangk­a itong bumuo ng isang private armed group (PAG) na maaaring magamit sa 2019 midterm elections.

Dinala si Riogelon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City at kakasuhan ng paglabag sa RA 10591 (Comprehens­ive Law on Firearms and Ammunition) at RA 9516 (Comprehens­ive Dangerous Drugs Act of 2002).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines