Balita

Iyak-tawa sa ‘Through Night & Day’

- Ni REGGEE BONOAN

mag-e-enjoy ang mga manonood nito.

Grabe ang tawa ng mga dumalo sa premiere night ng pelikula, pero todo ring pinaiyak nina Pao at Alex ang lahat sa bandang huli ng pelikula. Halos lahat tuloy ng lumabas sa sinehan ay namamaga ang mga mata, kasama na kami.

Sabi nga ng ilang katoto, kung magaling si John Lloyd Cruz sa mga eksenang nakakaiyak, may katapat na siya, si Paolo Contis. Tuluy-tuloy kasi ang agos ng luha ni Paolo, dalang-dala niya ang manonood. Ang galing-galing mo, Pao!

Sabi ng kasama namin, “Grabe, ‘no, halos lahat ng mga artistang galing sa Ang TV Na! ang huhusay umarte!’

Oo nga, iilan na lang ang mga dating Ang TV kids na lumaki na ngayon ang aktibo sa pag-arte, tulad nina Carlo Aquino, Angelu De Leon, Geoff Eigenmann, Cheska Garcia, Patrick Garcia, Michael Roy Jornales, Maxene Magalona, Jolina Magdangal, Jay Manalo, Victor Neri, Boy 2 Quizon, John Prats, CJ Ramos (kababalik lang), Thou Reyes, Marc Solis, at Angelica Panganiban. May ilang aktibo pa rin pero iba ang karera nila ngayon.

Samantala, bumilib kami kay Alessandra dahil in character siyang dumalo sa premiere night. Nagpakalbo siya, at related ito sa karakter niya na kinunan sa Baguio pagkagalin­g nila sa Iceland.

Nag-enjoy ang mga mata namin sa magagandan­g lugar sa Iceland, na first time rin na nag-shoot doon ang isang pelikulang Pinoy, dahil ang layu-layo at sobrang mahal ng mga bilihin. Tungkol sa ikinuwento ni Alessandra na muntik siyang mamatay sa pool scene dahil sobrang lamig ng tubig, hindi namin ito nahalata dahil ang ganda ng mga ngiti niya habang kausap si Paolo, na nangingini­g na rin pala sa ginaw. Nakalubog kasi sa tubig ang mga paa niya, at namatay pa raw ang mga kuko ng aktor. Ang ganda kasi ng mga shots ni Direk Ronnie. Nakakuha ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang Through Night & Day, kaya garantisad­ong super sulit ang ibabayad n’yo para mapanood ang pelikula, na showing na ngayong Miyerkules. Promise ‘yan!

 ??  ??
 ??  ?? Alessandra at Paolo
Alessandra at Paolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines