Balita

Karapatan ng ‘Pinas sa SCS, igigiit sa 33rd ASEAN

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

SINGAPORE – Muling pagtitibay­in ni Pangulong Duterte ang karapatan ng Pilipinas sa pinagaagaw­ang mga isla sa South China Sea, sa 33rd Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) dito.

Sa isang pahayag, sinabi ng Malacañang na nakatakdan­g makipagday­alogo si Duterte, kasama ang siyam na iba pang lider ng ASEAN, sa mga katuwang nitong bansa upang higit na palakasin ang ugnayan sa mga mahahalaga­ng lugar ng kooperasyo­n.

“The President will reiterate the Philippine­s’ principled positions on matters concerning the South China Sea and transnatio­nal and transbound­ary issues such as terrorism, violent extremism, traffickin­g in persons, illicit drugs and disaster risk reduction and management,” pahayag ng Palasyo.

Ayon sa Malacañang, umaasa rin ang Pilipinas sa pakikipagp­alitan ng pagtingin sa ASEAN communityb­uilding gayundin sa diskusyon sa rehiyunal at global na pagpapaunl­ad na malaking epekto sa kapayapaan, seguridad, at katatagan ng rehiyon.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na isa ang South China Sea sa mga rehiyunal na isyung nakatakdan­g pag-usapan kasama ng Korean peninsula.

Inaasahan ang pakikipagp­ulong ng 10 ASEAN lider sa China sa tatlong magkakaugn­ay na summit, ang ASEAN Plus China Summit, ASEAN Plus Three Summit kasama ang Japan at South Korea, at ang East Asia Summit kasama ng Australia, India, Japan, New Zealand, Republic of Korea, Russia, at United States.

Dumating si Pangulong Duterte sa Singapore nitong Lunes ng gabi, para sa tatlong araw na 33rd ASEAN Summit at sa kaugnay na summit, kabilang ang East Asia Summit.

Nakatakda ring magdaos si Duterte ng ilang bilateral meeting sa hindi pa tiyak na bilang ng mga lider na dadalo sa summit, kabilang si Japanese Prime Minister Shinzo Abe.

Nabanggit naman ni Philippine Ambassador to Singapore Joseph Del Mar Yap na maaaring makadaupan­g– palad ng Pangulo si Russian President Vladimir Putin at United States Vice President Mike Pence na kumakatawa­n kay Trump.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines