Balita

Pagbabalik ng Balangiga bells, ikinatuwa ng Palasyo

- Genalyn D. Kabiling

Ikinalugod ng Malacañang ang nakatakdan­g pagsasauli ng Estados Unidos sa bansa ng Balangiga bells, bilang isa sa mahahalaga­ng pamana ng kasaysayan.

Gayunman, sinabi Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ipagpapali­ban niya ang komento hanggang sa makauwi na sa bansa ang lahat ng kampana ng simbahan.

“We welcome any movement towards the return of the the Bells of Balangiga to the Philippine­s. The President himself, in his second State of the Nation Address, expressed his desire for the return of these bells explaining that they form part of our country’s patrimony and they were taken at the cost of bloodshed of thousands of Filipinos,” pahayag ni Panelo.

Nanindigan din si Panelo na dapat na maibalik ng bansa ang tatlong kampana, na kinuha ng tropa ng US sa Balangiga, Eastern Samar bilang war booty noong 1901.

“Given that the possession of the bells have not yet been turned over to the Philippine government, we are withholdin­g any further comment on the matter until the last bell has been properly delivered to the country,” aniya.

Ang pahayag ni Panelo ay kaugnay ng ulat mula kay Rolando Borrinaga ng Committee on Historical Research of National Commission for Culture and the Arts (NCCA), hinggil sa napipinton­g pagbabalik sa bansa ng dalawang Balangiga bells mula sa US base sa Cheyenne, Wyoming.

Habang ang ikatlong kampana, na kasalukuya­ng nakalagak sa US Army museum sa South Korea, ay inaasahan ding ibabalik sa bansa, bagamat wala pang ibinigay na petsa kung kailan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines