Balita

Lalaki tigok, babae duguan sa party

- Mary Ann Santiago

Patay ang isa habang sugatan naman ang isa pang bisita sa isang birthday party nang pagbabaril­in ng dalawang lalaki na napagkamal­ang mga waiter sa isang restaurant sa isang restaurant sa Barangay Kalawaan, Pasig City, kamakalawa.

Dead on arrival sa Rizal Medical Center si Reniel Colina habang kritikal naman si Re-Anne Diamante, kapwa nasa hustong gulang, dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Samantala, nakatakas at tinutugis na ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilala sa mga alyas na Jericho at Ram.

Sa ulat ng Pasig City Police, na pinamumunu­an ni Police Senior Supt. Rizalito Gapas, kay Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Bernabe Balba, naganap ang krimen sa parking area ng restaurant na matatagpua­n sa M. Jimenez Street, sa Bgy. Kalawaan, dakong 4:30 ng madaling araw.

Sa imbestigas­yon ni PO2 Eric Gabay, may hawak ng kaso, inimbitaha­n sa birthday party ng isang Sarah Morcillos ang mga biktima at suspek.

Nagkaroon ng inuman sa naturang pagdiriwan­g at sa kalagitnaa­n nito ay humingi umano ng yelo ang isang Joselito Pamilaran kina Jericho at Ram.

Nainsulto umano ang mga suspek kaya lumabas na lamang ang mga ito mula sa restaurant at nagtungo sa parking area.

Ayon sa isang Jess Aguilar, parking attendant sa lugar, nang makita umano ng mga suspek ang mga biktima sa parking area ay bigla na lang bumunot ng baril ang isa sa mga suspek at pinagbabar­il ang mga biktima.

Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay sa gray na Honda Civic.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines