Balita

4 na ‘bugaw’ kulong, 5 bebot nasagip

- Orly L. Barcala

Arestado ang apat na umano’y bugaw at nasagip ang limang babae makaraang salakayin ang kanilang hang-out sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD) director, Police Chief Supt. Gregorio N. Lim, kinilala ang nasakote na sina Amor Chungco, 44, ng No. 428 3rd Avening East Grace Park; Raymond Alera, 23, ng Sitio 6, Barangay Catmon, Malabon City; Jennifer Gayamo, 31, ng No. 60 Burol Molino 1, Bacoor Cavite; at April Rose Descatin, 28, ng Bgy. Hulo Dulo, Bautista Street, Caloocan City.

Sa report, nadiskubre ng Intelligec­e Operatives ng Caloocan Police ang modus operandi ng mga suspek.

Sa pamamagita­n ng Facebook, kinokontak umano ng mga suspek ang kanilang mga parokyano para sa “short time,” kapalit ng P1,000-P2,000.

Kapag nagkasundo na sa presyo, diretso na sila sa mga nagkalat na motel sa Monumento.

Matapos na makumpirma ang operasyon, nagkasa ng “Oplan Magdalena” ang mga tauhan ng Womens and Children Protection Desk (WCPD), Station Investigat­ion and Detective Management Branch (SIDMB) at City Social Welfare and Developmen­t Office (CSWDO) ng Caloocan City.

Pinuntahan ng mga awtoridad ang lugar ng mga suspek sa Bonifacio, Monumento Circle, Bgy. 78, Caloocan City at inabutan ang limang biktima na nag-aabang ng mga customer, dakong 11:30 ng gabi.

Ikinanta ng mga biktima kung sino ang nagbubugaw sa kanila at isa-isang hinuli sa paligid ng nasabing lugar.

Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa RA 10364 (Traffickin­g in Person).

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines