Balita

Vice, balik-comedy bar para ‘mag-practice’

- Ni ADOR V. SALUTA Vice

PANAUHIN ng Laffline comedy bar si Vice Ganda nitong November 9 at 10. Jampacked crowd ang nanood sa kanyang pagbabalik-comedy bar. Nakitawa, nakikanta at nakipagbir­uan si Vice sa mga madlang pipol na dati niyang ginagawa no’ng hindi pa siya host ng It’s Showtime.

Sa panayam kay Vice sa backstage, sinabi niyang ang muli niyang pagtatangh­al sa mga comedy bar ay bahagi ng paghahanda niya sa nalalapit niyang guestings sa concert ni Regine Velasquez sa susunod na taon.

“Iba ‘yung training dito, eh, and since magko-concert ako next year with Regine Velasquez, kailangang mag-practice,” ani Vice.

Tungkol naman sa kanyang love life, naiulat sa TV Patrol kamakailan ang pagtanggap niya ng jersey mula sa PBA basketball star na si Calvin Abueva pagkatapos ng laro nito, with matching yakap at beso pa sa gitna ng hardcourt.

Si Calvin ang nali-link ngayon kay Vice, na laging ibinubukin­g ni Vhong Navarro kapag nagbibirua­n sila sa It’s Showtime.

Bagamat walang pagamin o pagde-deny sa tuksuhan na sila na nga, nakakaintr­iga ang mga naging pahayag nina Vice at Calvin tungkol sa “special friendship” na namamagita­n sa kanila. Makahuluga­n din ang sinabi ni Vice kung ano ang pinakamabi­gat niyang naging sakripisyo sa love. “Magpalaya. Hinayaan ko siyang maging malaya. Pinalaya ko din ‘yung sarili ko sa sakit, sa hinanakit, at ngayon, eh, masayang masaya uli,” sabi ni Vice.

Anyway, simula nang ipatikim ang teaser ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entry ni Vice na Fantastica ay trending ito sa social media. Nakakatawa ang mga eksena kung saan ini-spoof niya sina Pia Wurtzbach, Jaclyn Jose at ang tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Isang dire-diretsong spoof ng The Hows of Us, feeling ko ‘yun ang Fantastica ng katatawana­n,” ani Vice.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines