Balita

Tickets sa ‘Regine at the Movies’ nagkakaubu­san na

- Ni MERCY LEJARDE

NO doubt na sobrang big ng Regine at the Movies concert series ni Regine Velasquez-Alcasid, na magsisimul­a

sa Saturday, sa New Frontier Theater sa Araneta Center sa Cubao, Quezon City.

Guests ng Asia’s Songbird sina Piolo Pascual (November 17), Sharon Cuneta (November 24), at Daniel Padilla (November 25).

Selling like hotcakes nga ang tickets for the three show, at para huwag maubusan, better check sa Ticketnet outlets , tumawag sa 911-5555 o sa online: ticketnet.com.

Nang makausap namin si Cacai Velasquez-Mitra, Regine’s sister and manager at producer ng Regine at the Movies, kinumpirma niyang mabentang-mabenta ang tickets ng concert series ni Regine.

“Nauna kasing lumabas ‘yung with Piolo and then ‘yung with Sharon. Then ‘yung dinagdag na araw kasi, ‘yung with Daniel, na November 25. Mabili rin ‘yon,” sabi ni Cacai.

Nang ma-releease raw kasi ang tickets para sa first two shows ay sold-out kaagad ang mga ito, kaya idinagdag nila ‘yung third night. At nang ilaloannou­nce na si Daniel ang guest sa third night, pang lumakas ang benta ng tickets.

Since pare-parehong big stars sina Piolo, Sharon at Daniel, hindi ba nalakihan sina a Regine at Cacai sa talent fees ng tatlo?

“Hindi pinag-usapan ang tungkol sa TF. In fairness, no talks about TF talaga! Ang naging problema pa namin, ‘yung schedules no’ng tatlo para nga magtugma sa araw na magge-guest sila.

“Naayos naman, kaya si Piolo, nasa November 17, then si Sharon sa November 24, at si Daniel nga sa November 25. “’Yung kay Sharon nga, sobrang thankful talaga kami ni Ate, dahil dapat nasa Hong Kong na siya that day, pero nag-adjust siya nang sobra. Ginawa niyang November 25 ng morning ang flight niya para mapagbigya­n nga niya kami. Eh, November 25 mismo ‘yung show niya sa Hong Kong, kaya sobrang sacrifice ang ginawa ni Sharon, kaya sobrang nakakabili­b at nakaka-touch!” kuwento ni Cacai.

“Si Piolo, sobrang gusto ni Ate na makapag-guest siya sa Regine at the Movies dahil nagkasama na sila noon sa movie. Hindi pa rin nakakapag-guest si Piolo sa kahit na anong concert ni Ate, pero si Ate, nag-guest noon sa Araneta Coliseum concert niya.

“Then si Sharon naman, idol talaga siya ni Ate kahit noong mga bata pa kami. Nakaka-relate si Ate sa mga pelikula ni Sharon, like ‘yung Bukas Luluhod Ang Mga

Tala at Bituing Walang Ningning.

“Relate na relate si Ate sa mga pelikulang ‘yan ni Sharon noong time na kahirapan pa kami at nangangara­p siyang maging sikat na singer!

“Si Daniel naman, na-impress siya sa kanya, plus box-office ang movie, kaya in line naman sa theme ng concert!”

Dahil Kapamilya na nga si Regine, ang media partner ay ABSCBN at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental, major sponsor ang Jollibee, at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services at Ryu Ramen.

 ??  ?? Regine
Regine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines