Balita

To the max ang tawanan, iyakan sa ‘Through Night & Day’

-

“PARA kang sunset,” sinabi ni Paolo Contis kay Alessandra de Rossi. “Bakit? Kasi maganda ako?” “Kasi palubog ka na.” Ito ang nagmark ang linya sa amin sa pelikulang Through Night

& Day nina Paolo at Alessandra, na idinirek ni Ronnie Velasco, mula sa Viva Films at Octoarts Films.

Nasa trailer ang usapang ito nina Alex at Paolo, na inakala ng lahat ng mga a nakapanood ay kaswal na biruan ng dalawa dahil three fourths yata ng pelikula ay puro nakakatawa ang mga dialogue ng dalawang bida, na pakiwari namin ay wala na sa script at puro adlib na lang.

Sa huling bahagi malalaman kung bakit sinabihan ni Paolo si Alex ng “palubog na”, at hindi na namin ito ipe-preempt pa.

Sa simula ng pelikula ay ang saya-saya ng dalawa dahil childhood sweetheart­s sila, at hindi nila ma-imagine na mabubuhay sila nang wala ang isa’t isa.

Parehong lumaki sa City of Pines, Baguio at magkatabi rin ang bahay nila, kaya through night and day ay magkasama sila hanggang sa nag -propose na si Paolo kay Alessandra.

At dahil gustung-gusto ni Alex na makarating sa Iceland ay talagang pinag-ipunan ito ni Paolo, kaya naman sobrang saya ng dalaga nang malalaman niyang pupunta sila roon, at doon na rin isu-shoot ang kanilang pre-nup photos.

First time mag-out of the country ng dalawa at dito nila nadiskubre ang ugali ng isa’t isa, na talagang tawang- t a w a ang lahat. Palakpakan pa nga ang mga manonood sa bawat bitaw ng mga linya nina Pao at Alex.

Tulad nang nasabi namin sa simula, ‘tila wala na sa script ang mga dialogue ng dalawa. First time kasi na ming narinig sa pelikula ang: “Kaya kong kontrolin ang isip ko kasi nasa ulo ko, pero ito (sabay tingin sa private part), hindi ko makokontro­l kasi puro ulo lang siya.” Kaya hagalpakan ang lahat, dahil napaka-casual ng bitaw ni Paolo.

Tuloy pa rin ang tawanan dahil hiningi ni Alex ang mga kamay ni Paolo, na inakalang may gagawin ang dalaga para masiyahan siya, pero ang sabi ng aktres: “Ipag-pray natin para mawala.”

Relatable rin ang lahat ng linya sa

Through Night & Day, kaya siguradong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines