Balita

Jennylyn, nagiging paborito ng Star Cinema?

- Ni NITZ MIRALLES Jennylyn

MULING gagawa ng pelikula sa Star Cinema si Jennylyn Mercado, at naisagawa na kamakailan ang initial meeting tungkol sa project. Batay sa nakita naming photos, kay Mico del Rosario ng Star Cinema at sa scriptwrit­ers ng movie nakipagmee­ting si Jennylyn, kasama ang manager niyang si Katrina Aguila.

Wala pang inilabas na detalye kung sino ang makakasama ni Jennylyn sa second movie niya sa Star Cinema, pati kung sino ang director at iba pang costars. Kaya hintayin natin ang announceme­nt.

May mga nagrereque­st na kung hindi si Jericho Rosales ay si Piolo Pascual ang ipareha kay Jennylyn sa pelikulang gagawin. Nakatambal na ni Jennylyn si Jericho sa

2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry ng Quantum Films na Walang Forever. Tiyak na matutuwa ang fans kung sakali, dahil nagre-request sila ng take two sa tambalan nina Jericho at Jennylyn.

Matutuwa rin ang fans na nagrereque­st na si Piolo ang itambal kay Jennylyn. Kung mapagbibig­yan, first time nilang magtatamba­l. Ang request pa ng fans, ay rom-com ang gawing pelikula ng dalawa.

Sa unang pelikula ni Jennylyn sa Star Cinema, ang Just The Three of Us, ay si John Lloyd Cruz ang nakapareha niya. Sayang at hindi na active sa showbiz ang aktor ngayon. Maganda rin sana kung ibabalik ang tambalan nila.

Sa telebisyon naman, si Gabby Concepcion ang makakapare­ha ni Jennylyn sa bagong teleserye niya sa GMA-7. Wala pa ring detalye sa project na ito ng aktres, na sa 2019 ang airing.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines