Balita

Janine, nabitin sa ‘Victor Magtanggol’

- Nitz Miralles

NAKASUOT lang ng white T-shirt at shorts si Janine Gutierrez nang makausap namin sa taping ng Victor Magtanggol, and very minimal ang make-up, pero lutang pa rin ang ganda ng Kapuso actress. Isa siya sa mga artista na hindi kailangan ang makeup, at hindi kailangan ng anggulo sa picture-taking dahil wala siyang anggulo; she is always ready for close up, ‘ika nga.

May ilang Kapamilya stars nga na gandang-ganda kay Janine, kabilang na si Liza Soberano, na nagpahayag ng kagustuhan­g makatrabah­o si Janine. Inamin pa ni Liza na obsessed siya kay Janine.

Ano ang reaction ni Janine rito? “Sobrang ganda-ganda rin ako sa kanya at dream ko rin siyang makatrabah­o. Kahit sa endorsemen­t shoot lang. Nagkita na kami once, sa 2017 Star Magic Ball at sobrang sweet naman niya na naalala niya ako,” sagot ni Janine.

Anyway, nalulungko­t si Janine na magtatapos na ang Victor Magtanggol sa November 19 dahil feeling niya, marami pang puwedeng gawin ang karakter niyang si Gwen Regalado. Marami pa siyang gustong mangyari sa karakter ni Gwen. Nabitin siya, kaya ang sabi na lang niya, “I hope na-serve ko ang purpose ko sa show.”

Pero masaya rin si Janine na magtatapos ang Victor Magtanggol na marami silang pinasayang viewers, lalo na ang mga bata. Ang sarap daw ng feeling na kilala ang cast sa mga karakter nila sa show. Siya mismo, “Gwen” kung tawagin kahit saan siya magpunta.

Marami ang nagre-request sa GMA-7 na muling pagtambali­n sina Janine at Alden. Gusto ng fans, kung hindi rom-com ay matinding drama/love story ang balik-tambalan nila, na tipong paiiyakin sila.

Parehong open sina Alden at Janine sa idea na ito, ang network na ang bahala.

Samantala, sa Los Angeles sa California magpa-Pasko sina Janine and her siblings with their dad, Ramon Christophe­r Gutierrez. Aalis sila sa December 22 at sa December 31 ang balik.

“After ng December 17 wedding ni Mama (Lotlot de Leon) ang alis namin with Papa. One week lang, we want to spend time with him naman. Ang week sa wedding ni Mama, sa kanya ‘yun at pagkatapos, kay Papa naman kami,” kuwento ni Janine.

Sa tanong kung kasama ang BF niyang si Rayver Cruz sa one week vacation nila sa LA, “sana” ang maikling sagot ni Janine.

Kaya lang, paano aalis si Rayver, eh may dalawa itong shows sa GMA-7 ngayon? Nagte-taping siya ng Asawa Ko, Karibal Ko at ng musical-variety show na Studio 7. Pero malay din natin!

 ??  ?? Janine
Janine

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines