Balita

Andrea, topless sa sexy calendar

- Nora V. Calderon

MAS pinili ni Andrea Torres na isang sexy table calendar na lamang ang gawin niya kaysa coffee table book. Regalo raw niya iyon para sa kanyang fans.

Nakausap namin si Andrea sa taping ng Victor Magtanggol na finale night na sa Friday, November 16, pagkatapo ng 24 Oras.

Biniro namin siya kung may topless shot siya sa calendar, mayroon daw kaya hintayin na lang fans kung paano siya nag-pose doon pati na sa iba pang sexy poses. Siya raw producer ng naturang calendar at ang kaibigan niyang photograph­er na si Jay Tablante ang co-producer.

Ngayong tapos na ang taping niya, nakaschedu­le na raw sila ng mommy niya na magbakasyo­n ng ilang araw sa Maldives na matagal na niyang gustong puntahan.

Biniro namin si Andrea kung hindi ba niya nagustuhan si Alden Richards kasi loveless naman siya ngayon?

“Hindi! Friends na at close na kami ni Alden sa una pa lamang naming pagsasama as endorser ng isang telecommun­ication company na wala na ngayon,” kuwento ni

Andrea. “Then una kaming nagtambal sa dalawang episodes ng ‘Wagas’ drama series sa GMA News TV.”

Hindi naman lihim na maraming bashers si Andrea nang malamang kasama siya sa Victor Magtanggol. Pero, aniya, inihanda na raw niya ang sarili dahil bago pa niya tinanggap ang offer ng GMA may namba-bash na sa kanya.

“Nang ginagawa na namin ang series, may times pa rin na naapektuha­n ako lalo na kung nadadamay ang family ko. Pero natutunan ko na rin kung paano sila harapin. Nakatulong din sa akin na nag-a-attend ako ng fellowship sa Victory Christian group.”

Ngayon ngang patapos na ang series, may gusto ba siyang iwanang message kay Alden? “Thankful ako kay Alden dahil inalalayan niya kaming lahat. Sabi ko nga sa simula pa lamang ng serye, isang leader si Alden. Ako at ang mga kasama ko, kahit pagod na, kapag nakita mo siya na kahit madaling-araw na ay nakatayo pa rin at nagtatraba­ho, mapapahiya ka, mahahawa ka sa pagiging positive niya. Natutunan ko sa kanya kung paano mag-handle ng stress sa trabaho. Magaan siyang katrabaho at hindi siya nagsasawan­g magpasalam­at sa lahat ng mga blessings na dumarating sa kanya.” Nasabi ni Alden na nagrireque­st sila sa management ng isang Christmas special na gagampanan ng Magtanggol family, and since kasama sa pamilya si Andrea as Sif, hindi malayong makasama siya sa Christmas special kapag natuloy. Napangiti si Andrea.

 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines