Balita

Nagbenta ng diary ni John Lennon, kinasuhan

-

ISANG 59 taong gulang na lalaki ang kinasuhan sa Germany nitong Lunes dahil sa suspetsang ipinagbebe­nta nito ang ninakaw na mga diary at iba pang kagamitan na pagmamay-ari ng yumaong Beatle member na si John Lennon.

Ang suspek, na kinilala ng Berlin prosecutor­s’ office only bilang si Erhan G., ay nagtayo ng auction house noong 2014 sa Berlin para ipagbenta ang mga nasabing gamit, at kumita ito ng 785,000 euros ($884,000), lahad ng opisina sa isang pahayag.

Ang items, na ninakaw mula sa byuda ni John na si Yoko Ono noong 2006 na napunta sa Berlin, ay kinabibila­ngan ng mga sulat, recording ng Beatles concert at isang pares ng salamin ni John.

Ang huling diary ni John ay noong Disyembre 8, 1980, ang araw na siya ay binaril at napatay sa New York.

Nakasaad sa diary, may appointmen­t umano sila ni Yoko kasama ang photograph­er na si Annie Leibovitz. Ang portrait na ito ay ang hubad na larawan ni John na nakayakap kay Yoko sa kama, ang naging cover ng Rolling Stone magazine noong Enero, 1981.

“Further documents, an illustrati­on and another pair of John Lennon’s glasses were found hidden in the suspect’s car,” pahayag ng prosecutor­s’ office, at sinabing kakasuhan nila ang lalaki ng conspiracy to fraud.

Suspetsa ng pulisya, ang mga ninakaw na gamit ay tinangay mula sa dating driver ni Yoko bago dinala sa Turkey bago pa man dalhin sa Berlin noong 2013 o 2014.

Inalerto umano sila nang makita ang mga naturang item ng administra­tor for a bankrupt auction house, na naunang nagpresyo sa mga ito ng 3.1 million euros.

Ang mga ito ay ibinigay sa abogado ni Yoko noong Setyembre 21, 2018, lahad ng prosecutor­s’ office.

 ??  ?? John
John

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines