Balita

AI News Anchor, ipinakilal­a sa China

-

Ipinakilal­a ng China’s state news agency Xinhua ang kanilang dalawang makatotoha­nang AI news anchors na kaya umanong mag-ulat “tirelessly” sa loob ng 24 oras sa isang araw, 365 sa isang taon, saan man sa mundo.

Nitong nakaraang linggo nagsimula nang mag-ulat ang dalawang AI broadcaste­r sa taunang World Internet Conference sa China. Hindi lamang mukhang tunay na tao ang dalawang AI anchor, kaya rin nitong igalaw ang kanilang bibig nang sakto sa audio, tumango sa mga emphasis o maging itaas ang kilay. Ngunit higit sa lahat kaya nitong magtrabaho ng 24 oras na malaking tulong umano sa, “reducing news production costs and improving efficiency”.

“AI anchors have officially become members of the Xinhua News Agency reporting team,” pahayag ng Xinhua sa South China Morning Post. “They will work with other anchors to bring you authoritat­ive, timely, and accurate news informatio­n in both Chinese and English.”

Gawa ang dalawang digital anchors ng Xinhua at ng Chinese search engine, Sogou, na nakadepend­e umano sa makina “to simulate the voice, facial expression­s, and many gestures of human broadcaste­rs.” Kapwa hango ang dalawa sa totoong buhay na news anchor, na naiiba lamang sa kanilang boses.

“As an AI news anchor under developmen­t, I know that there is a lot for me to improve,” sinabi ng English-speaking AI broadcaste­r sa pagtatapos ng programa. “I will work tirelessly to keep you informed as texts will be typed into my system uninterrup­ted.”

Hati naman ang naging reaksyon ng mga tao sa “world’s first AI news anchors” ng Xinhua, na sinabi ng ilan na hindi sila kompotable na napapanood ang AI na kahawig ng tao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines