Balita

NU junior belles, ratsada sa UAAP

- Marivic Awitan

TINALO ng defending four-time girls champion National University ang Adamson University, 25-19, 25-18, 31-29, para hatakin ang kanilang undefeated run sa pitong laro sa UAAP Season 81 high school volleyball tournament sa Far Eastern University-Diliman Gym.

Nagtala si Faith Nisperos ng 14 na puntos lahat galing sa attacks habang nagdagdag si reigning MVP Mhicaela Belen ng 13 hits, bukod pa sa 7 digs at 4 na receptions upang pamunuan ang Junior Lady Bullpups.

Namuno naman si Kate Santiago na tumapos na may 9 na puntos para sa Baby Falcons.

Sa iba pang laro, nakakuha naman ang University of Santo Tomas ng pinagsaman­g 18 puntos mula kina Renee Lou Penafiel at Imee Hernandez upang pangunahan ang 25-22, 25-11, 25-10 panalo kontra UP Integrated School.

Dahil sa panalo, pumatas sila sa Adamson University sa ikatlong puwesto sa markang 5-3.

Tinalo naman ng De La Salle-Zobel ang UPIS, 25-15, 25-16, 25-19, noong simula ng second round nitong Sabado sa Blue Eagle Gym para umangat sa ikalawang puwesto hawak ang barahang 5-2.

Nagposte naman si Alexis Miner ng 13-puntos para pamunuan ang FEUDiliman sa paggapi sa UE, 25-19, 25-15, 25-17, na nag-angat sa kanila sa patas na markang 4-4.

Samantala, sa boys division, pinataob ng NU ang titleholde­r UST, 2518, 25-20, 32-30 at Adamson University, 12-25, 25-22, 19-25, 25-22, 15-13 para manatiling walang talo sa siyam na laro.

Makaraang mabigo, 26-28, 24-26, 2527 sa University of the East, bumawi ang FEU-Diliman sa pamamagita­n ng 23-25, 25-16, 25-27, 25-14, 15-9 pag-ungos sa La Salle-Zobel upang tumaas sa ikalawang puwesto hawak ang 7-2 kartada.

Tinalo din ng UE ang UPIS,25-9, 25-22, 25-17 para umangat sa solong ikatlong puwesto hawak ang 6-3, panalo-talong marka kasunod ang Tiger Cubs at Baby Falcons na tabla sa 5-4 na baraha.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines