Balita

Mga bus, oobligahin­g tumigil sa PITX

- Mary Ann Santiago

Nais ng Department of Transporta­tion (DOTr) na i-require ang mga provincial at city bus na gumamit ng bagong bukas na Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), na tinagurian­g kauna-unahang landport sa bansa.

Ipinahayag ni DOTr Undersecre­tary Mark De Leon na hinihintay na lang nila ang ilalabas na memorandum circular ng Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) para rito.

Habang wala pa naman, aniya, ang memorandum circular ay patuloy nilang pinapaalal­ahanan ang mga bus operator na gumamit ng PITX, lalo na at ilan na rin sa mga ito ang hindi sumusunod sa patakaran.

Sinabi ni De Leon na kailangang ang mga provincial bus ay magtermina­te sa PITX habang ang mga city bus naman ay kailangang pumasok at doon magbaba ng pasahero, at magsakay ng ibinababa naman ng mga provincial bus.

“Continuing naming ginagawa na pagre-remind dito sa mga bus operators habang hinihintay natin ang LTFRB naman na mag-issue ng memorandum circular dito sa mga bus operator na i-require,” ani De Leon.

“Mangilan-ngilan pa rin po ang mga bus na ‘di sumusunod sa regulasyon kaya hinihintay po talaga natin na mag-release itong LTFRB ng memo na inoobliga ang mga bus na na tumigil na ng PITX,” dagdag pa niya.

Ayon pa kay De Leon, hindi kinakailan­gan na manatili nang matagal ng mga bus at maghintay ng pasahero sa PITX.

Maaari naman aniyang dumaan lang sila roon upang magbaba at magsakay ng pasahero, at ipagpatulo­y ang kanilang biyahe.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines