Balita

Pinay, tumanggap ng ASEAN Prize

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

SINGAPORE - Hindi napigilan ni Erlinada Uy Koe na umiyak habang ibinabahag­i na nagsisimul­a nang matanggap sa lipunan ang mga batang may autism.

Ganito inilarawan ni Koe ang kanyang karangalan na natanggap mula sa Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN), nitong Martes. Hinigitan ni Koe ang nasa 49 na kalahok para sa unang ASEAN Prize para sa kanyang adbokasiya sa family autism.

“For the ASEAN Prize, the inaugural ASEAN Prize, to go to a family autism advocacy, is a statement. It’s a statement that ngayon, niyayakap na ng ASEAN ang inclusion para sa mga taong may autismo kagaya ng aming mga anak,” pagbabahag­i niya sa mga Pilipinong mamamahaya­g.

Sa panayam sa kanya ng mga Pilipinong media, hindi nagawang makontrol ni Koe ang kanyang emosyon habang nagpapasal­amat sa lahat ng mga tao na bukas ang loob na tumulong sa mga batang may autism.

“’Pag po nagkaroon kayo ng anak na with autism, ang naiisip niyo lang, paano niyo siya matutulung­an, paano niyo siya mapapalaki na kaya niyang makisabay sa buhay,” aniya.

Iginawad ni Singapore Prime Minister at ASEAN 2018 Chairman Lee Hsien Loong kay Koe ang unang ASEAN Prize, isang inisyatibo ng ASEAN Secretaria­t, sa pagbubukas ng Summit. Layunin ng parangal na kilalanin ang katangitan­ging karangalan at kontribusy­on na nagpapaunl­ad sa identidad ng ASEAN at nagsusulon­g ng diwang ASEAN.

Bukod sa tropeo, nakatangga­p din si Koe ng cash prize na $20,000.

Inilarawan naman ng dating kolumista ng Manila Bulletin bilang biyaya ang kanyang natanggap na karangalan.

“In the spirit of servant-leadership, I share this recognitio­n with the 13,000 fellow parents and family members who comprise the Autism Society Philippine­s (ASP) and with countless other advocates from the ASEAN Autism Network (AAN),” ani Koe.

HIGIT NA SUPORTA

Para kay Koe, na may 24-anyos na anak na may autism, ang pagkapanal­o niya ay nangangahu­lugang ng higit ng pagyabong ng kanyang adbokasiya sa buong rehiyon ng Southeast Asia. Habang umaasa rin siya na mas marami pang pinto ang magbubukas para sa kapakanan ng mga taong may autism.

“With this recognitio­n ang panalangin po namin, magbubukas ito ng mas maraming pintuan para po mas makalapit kami sa mga policy makers whether sa gobyerno or sa private companies,” paliwanag ni Koe.

Chair Emeritus ng ASP na may 96 na chapter sa buong bansa, nagsilbi si Koe bilang AAN na binubuo ng autism family support organizati­ons mula sa sampung bansang miyembro ng ASEAN.

Nagbigay din ng payo si Koe sa mga magulang na huwag sarilinin ang problema at humanap ng mga taonmg makakatulo­ng sa kanila.

“Palagi kong sinasabi, when you found out na may anak nga siya, iiyak ka. Magluluksa. But after that, you have to move on,”aniya.

“It’s just like ASEAN. Hindi pwedeng isa isa lang na bansa. So lahatan. Ganun din sa tao,” paliwanag niya.

Samantala, naghatid ng pagbati si Pangulong Duterte at ang Malacañang kay Koe, para sa pagbibigay nito ng karangalan sa bansa.

“The Philippine­s is honored by the conferment of the premier award to Ms. Erlinda Uy Koe, whose work with ASEAN Society Philippine­s and ASEAN Autism Network has touched the lives of persons with autism and their families across the region,” pahayag ni Duterte, sa ginanap working dinner nitong Martes.

“The Palace wishes to congratula­te Ms. Erlinda Uy Koe for winning the ASEAN Prize 2018 and bringing tremendous pride and great honor to the country,” pagbati ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo.

 ??  ?? ‘DI MAPAPANTAY­ANG ADBOKASIYA Tinanggap ni Erlinada Uy Koe ang tropeo para sa ASEAN Prize bilang pagkilala sa kanyang autism advocacy.
‘DI MAPAPANTAY­ANG ADBOKASIYA Tinanggap ni Erlinada Uy Koe ang tropeo para sa ASEAN Prize bilang pagkilala sa kanyang autism advocacy.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines