Balita

Duterte no-show sa tatlong ASEAN events

- Argyll Cyrus B. Geducos

SINGAPORE - Hindi dinaluhan ni Pangulong Duterte ang tatlong summit na idinaos sa ikalawang araw ng 33rd Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at mga kaugnay na pulong dito.

Huling nakita ang Pangulo sa Suntec Singapore Internatio­nal Convention and Exhibition Centre nang daluhan nito ang 21st ASEAN-China Summit nitong Miyerkules, bandang 9:30 ng umaga.

Ngunit bago ang Summit kasama ng China, nilaktawan din ni Duterte ang ASEAN-Australia Informal Breakfast Summit kasama si Australian Prime Minister Scott Morrison.

Matapos dumalo sa ASEAN-China Summit, hindi nakita si Duterte sa ASEAN-Republic of Korea (ROK) Summit, at sa working lunch kasama ng iba pang mga lider ng ASEAN at guests.

Sa halip si Foreign Affair Secretary Teodoro Locsin, Jr., ang kumatawan kay Duterte sa tatlong pulong kahapon ng umaga.

Isang source ng Palasyo ang nagsabi na nagpahinga muna ang Pangulo ngunit babalik din upang dumalo sa iba pang pulong.

Hindi ito ang unang pagkakatao­n na nilaktawan ni Duterte ang isang mahalagang summit.

Noong Nobyembre 2016, sa Asia-Pacific Economic Cooperatio­n (Apec) summit sa Peru, hindi dinaluhan ng Pangulo ang gala dinner gayundin ang tradisyuna­l na family photo ng 21 Pacific Rim leaders.

Kasalukuya­ng nasa Singapore si Duterte para sa tatlong araw na 33rd ASEAN Summit na magtatapos ngayong araw, Huwebes. Matapos nito, nakatakda naman siyang lumipad patungong Port Moresby sa Papua New Guinea para sa APEC Summit.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines