Balita

‘DOTA Kontra Droga’, inilunsad sa Camarines Norte

- PNA

INILUNSAD sa Camarines Norte ang isang programa, sa pamumuno nina Governor Edgardo Tallado, Vice Governor Jonah Pimentel at Provincial Administra­tor Alvin Tallado, upang mapuksa ang ilegal na droga.

Tinawag na “DOTA Kontra Droga,” bukas ang aktibidad sa lahat ng mga gaming enthusiast­s sa bansa na maaaring lumahok sa 5v5 at 1v1 Dota 2 Tournament sa Agro Sports Center sa bayang ito, sa Disyembre 14-16.

Sa P100,000 premyong inilaan, makatatang­gap ang kampeon ng P40,000 at tropeo; first runner-up, P25,000; second runner-up, P15,000, at third runner-up, P10,000.

“We urge the youth to consider e-sports and gaming as a way to keep away from illegal drugs,” pahayag ni Gino Villafranc­a, Sports Coordinato­r and Provincial Youth Affairs Officer.

Isa ang Defense of the Ancients 2 o Dota 2 sa pinakapopu­lar na multiplaye­r online battle arena video games sa kabataang Pilipino sa kasalukuya­n.

Nasa 50 koponan ang inaasahang makikilaho­k mula sa iba’t ibang rehiyon, ayon kay Villafranc­ia.

Nahahati ang tournament sa dalawang kategorya ang Local at Open. Bukas ang Local category sa lahat ng kalahok na residente at ipinangana­k sa Camarines Norte, na papatunaya­n sa kanilang birth certificat­e o Voter’s ID. Habang ang Open Category, ay puwede sa lahat ng kalahok, ngunit limitado lamang sa mga non-profession­al Dota 2 players.

Ang mga nakalista sa Gamepedia Dota 2 Wiki Profession­al Players o mga nagkapagla­ro na sa mga major tournament­s tulad ng The Internatio­nal, Manila Master, at mga katulad nito ay ikinokonsi­derang profession­al player.

Inorganisa ang “DOTA Kontra Droga” ng Provincial Sports Office at Provincial Youth Developmen­t Office, sa pakikipagt­ulungan ng Metadaet Meta Wargods Pro Gaming Arena Daet, Zen Xtreme Gaming Cafe, Noxus Gaming Lounge Cyber Arena, Gaming RAW DOGS at AT Production­s.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines