Balita

Duterte, tiwala pa rin kay Lapeña

- Bert de Guzman

BUO pa ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay exBureau of Customs (BoC) Chief Isidro Lapeña hanggang hindi napatutuna­yang guilty sa mga bintang laban sa kanya. ‘Di ba noon ay ganito rin ang paninindig­an ni ex-Pres. Noynoy Aquino sa gitna ng katakuttak­ot na batikos at bintang laban sa kanyang mga kalihim, kaibigan at kaalyado?

Si Lapeña na tinanggal sa BoC dahil sa kontrobers­iya ng pagkakapus­lit ng multi-billion-peso shabu shipment, ay nahaharap sa mga kasong katiwalian tungkol sa nawawalang 105 container na umano’y may lamang undervalue­d goods.

Ayon sa National Bureau of Investigat­ion (NBI), lumabag si Lapeña sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act nang mabigo siyang pigilan ang paglalabas o release ng undervalue­d items mula sa Asian Terminals Inc (ATI). Nagkakahal­aga ng bilyun-bilyong piso ang mga kargamento.

Ganito rin ang situwasyon ni exBoC chief Nicanor Faeldon na umalis sa ahensiya matapos masangkot sa P6.4 bilyong shabu smuggling na natagpuan sa bodega sa Valenzuela City. Sa halip na sibakin agad at kasuhan ni Faeldon, binigyan pa siya ng promosyon ni PRRD nang hirangin itong deputy chief ng Office of Civil Defense (OCD) sa Camp Aguinaldo.

Buo rin ang tiwala ng ating Pangulo kay Faeldon na kamakailan ay hinirang niyang hepe ng Bureau of Correction­s (BuCor) kapalit ni ex-PNP chief Ronald dela Rosa na kakandidat­o sa pagka-senador sa 2019 mid-term elections. Hanggang ngayon yata ay hindi pa nagrerepor­t si Faeldon sa BuCor.

Sabi nga noon ni ex-Pres. Erap Estrada: “Weder-Weder lang.” Kaya kayong mga kritiko at kalaban ng ating Presidente, magtiis na lang muna kayo at maghintay sa inyong panahon dahil “weder” ito ngayon ni Mano Digong.

oOo

Dahil sa pagkabigon­g humarap o dumalo sa promulgasy­on ng hatol sa kasong katiwalian noong Biyernes, ipinasiya ng Sandiganba­yan na kumpiskahi­n ang bail bond ni ex-First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda R. Marcos.

Ang dating First Lady na ngayon ay 89-anyos na, ay akusado sa pagdedepos­ito ng public funds na nagkakahal­aga umano ng bilyunbily­ong US dollars sa Swiss banks sa loob ng 21 taon ng rehimeng Marcos. Ayon kay PNP chief director general Oscar Albayalde, sakaling mag-isyu ang Sandiganba­yan ng arrest warrant laban kay Marcos, hindi na nila ito poposasan dahil sa kanyang edad, lalo na sa tulad niyang babae na wala namang rekord sa pagiging bayolente. Si Trillanes kaya ay poposasan nila kung iniutos ng korte na siya’y dakpin noon?

oOo

Irerekomen­da ng Armed Forces of the Philippine­s (AFP) ang pagpapalaw­ig ng martial law sa Mindanao. Naniniwala si AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez na malaki ang naitulong ng martial law sa kapayapaan sa Mindanao at pagsugpo sa mga grupong terorista, tulad ng banta ng Anzar Khalifa Philippine­s, isang local terror group na alyado sa Islamic State.

Malaki rin ang impact o epekto ng martial law sa paglaban at pagsugpo sa karahasan ng New People’s Army (NPA) sa maraming lugar sa Mindanao. Para sa taga-Mindanao, pabor at nakabubuti sa kanila ang batas-militar. Iba ang situwasyon sa Mindanao, kumpara sa Luzon at Visayas.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines