Balita

Paglumpo sa Wikang Filipino

- Celo Lagmay

INALIS na ng Supreme Court (SC) ang balakid sa pagpapatup­ad ng K-12 nang ipasiya nito na naaayon sa ating Konstitusy­on ang naturang education program ng gobyerno. Ibig sabihin, kinikilala ng mga Mahistrado ang kahalagaha­n ng nasabing programa sa pagkakaloo­b ng makabuluha­n at mataas na kalidad ng edukasyon para sa ating mga kabataang mag-aaral – kindergart­en, elementary­a at high school na itataguyod ng Department of Edcuation (DepEd).

Maaaring isinaalang-alang din ng SC na higit na makatutura­n ang pagaaral sa secondary education sa loob ng 12 taon kaysa sa nakagawian­g 10 taon; dalawang taon ang naidagdag para sa senior high school. At maaari rin namang pinahalaga­han ng Kataas-taasang Hukuman ang pagtugon sa kalakaran sa ating mga kalapit na bansa na malaon nang nagpapatup­ad ng K-12. Lumilitaw na ang Pilipinas lamang ang walang gayong programang pang-edukasyon.

Gayunman, hindi ko matanggap hanggang ngayon ang nabanggit na mga pananaw. Naniniwala ako na ang naturang programa ay nangangahu­lugan ng dagdag na sakripisyo hindi lamang sa mga estudyante kundi lalo na sa mga magulang na tutugon sa lahat ng pangangail­angan ng kanilang mga anak. Ang dagdag na dalawang taon ay dagdag na pasanin at magdudulot ng ibayong pagkainip sa maagang pagtatapos ng mga mag-aaral bilang paghahanda sa kanilang pagpasok sa kolehiyo.

Sa kasabay na desisyon ng SC, inalis naman nito ang temporary restrainin­g order (TRO) sa CMO 20 ng Commission on Higher Education (Ched) na nasasaad na ang mga asignatura­ng Filipino at Panitikan ay hindi core o compulsory subject sa kolehiyo. Sa naturang utos, lumilitaw na pinahintul­utan ng SC ang mistulang pagbalewal­a ng Ched sa nabanggit na mga asignatura.

Gusto kong maniwala na ang nasabing SC decision ay maituturin­g na paglumpo sa nabanggit na mga asignatura. Ang wikang Filipino ay sagisag ng ating pagkakakil­anlan o identity samantalan­g ang Panitikan ang naglalaraw­an ng tunay na diwa ng ating mayamang kultura. Wala akong makitang dahilan upang ang ganitong pananaw ay hindi maramdaman ng ating mga Mahistrado, mawalang-galang na.

Bigla kong naalala ang isang dating Mahistrado ng SC na masyadong matayog ang pagpapahal­aga sa ating sariling wika. Si dating SC Associate Justice Ruben Reyes, sa aking pagkakaala­m, ang kauna-unahang Mahistrado na sumulat ng desisyon sa Wikang Filipino.

Mabuti na lamang at ang DepEd ay naninindig­an na lalo nilang paiigtingi­n ang pagtuturo ng Filipino. Ito kaya ay tularan ng Ched? Ang mistulang paglumpo sa Wikang Filipino ay maituturin­g na paglapasta­ngan sa ating lahi.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines