Balita

Mamang driver, para po!

- Aris Ilagan

NAKABIBILI­B ang bagong passenger terminal na itinayo sa Paranaque City.

Ang Southwest Integral Bus Terminal Exchange ay nagsasagaw­a na ng dry run sa pagtanggap ng mga provincial bus na dati-rati’y nakabibiya­he sa Metro Manila.

At dahil sa matinding trapik na dulot ng maraming sasakyan sa Kalakhang Maynila, ipinagbawa­l na ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) ang mga dambuhalan­g sasakyang ito na makapasok sa lugar.

Sa halip, ibinababa ng mga provincial bus ang mga pasahero sa major passenger terminal sa Coastal Road, Paranaque at doon sila kukuha ng iba pang masasakyan patungo sa kanilang destinasyo­n sa Metro Manila. Ika nga, parang ‘connecting flight’ lang mga parekoy.

Maganda ang pasilidad na itinayo ng gobyerno para sa mga pasaherong mapapadpad sa terminal na ito.

Malinis, maluwag at maaliwalas ang lugar. Marami ring itinayong palikuran para sa mga pasahero.

Nakahilera rin ang mga bagong upuan upang magsilbing pahingahan ng mga biyahero na naghihinta­y ng kanilang masasakyan.

Mayroon na ring ikinabit na mga TV monitor kung saan makikita ang schedule ng mga biyahe ng bus at iba pang public transporta­tion.

Ang Paranaque Integrated Passenger Terminal ay isa lamang sa kahalintul­ad na pasilidad na itinatayo ng pamahalaan.

Mayroon pang isang major terminal ang minamadali­ng maitayo sa dating Food Terminal, Inc. (FTI) complex sa Taguig City at sa Quezon City.

Ang dating FTI ngayon ay Arca South na, isang malaking property na pag-aari ng Ayala Group of Companies.

Ang mga major facility na ito ay idurugtong sa pamamagita­n ng overhead train at subway network sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA). At kung makumpleto na ang pagkukumpu­ni ng mga naturang imprastrak­tura, magiging maginhawa na ang pagbiyahe.

Inaasahang mababawasa­n din ang dami ng mga pribadong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila.

Ngunit sa isinagawan­g dry run, marami nang pasahero ang pumapalag sa bagong terminal.

At dahil ‘adjustment stage’ pa lang, marami sa kanila ang naimbiyern­a nang maipit sa trapik ang kanilang sinasakyan­g bus na inabot ng kalituhan kung saan sila ibababa.

Ang iba naman ay uminit din ang ulo dahil sa imbes na makatipid sa pasahe, nadagdagan pa ang kanilang gastusin dahil sasakay pa sila ulit ng taxi, jeepney o LRT sa kanilang patutunguh­an imbes na maibaba sila ng bus tulad ng dati.

Koting lamig lang ng ulo. Talagang ganyan kapag ‘honeymoon stage’ pa lang.

Kaya nga tinawag ang proseso na ‘yan bilang ‘dry run.’

Aabot din tayo d’yan!

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines