Balita

‘Cain at Abel’ ‘di para sa kumpetensi­ya—Dingdong

- Ni NITZ MIRALLES

SA Lunes na, November 19, ang pilot ng actiondram­a na Cain at Abel na pinagbibid­ahan nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo. Sa teaser pa lang, makikita nang puno ng action ang bagong teleserye ng GMA-7, kaya naman, marami na ang nag-aabang sa muling pagsasama ng dalawang hari ng Kapuso Network.

Kuwento ni Dingdong, bago pa ang presscon ay ramdam na nila ni Dennis ang excitement sa pagsisimul­a ng airing ng Cain at Abel, at mas tumaas ang kanilang pananabik nang nang ipalabas sa harap ng mga reporter ang full trailer ng serye.

“Iba ang pakiramdam habang hindi pa pinalalaba­s ang trailer. Parang nanganak na gusto mo nang makita ang baby mo at sa akin, gusto ko nang makita ang produkto na pinaghirap­an naming lahat. Solid ang kuwento ng Cain at Abel na tungkol sa magkapatid na nagkahiwal­ay ng landas at magugustuh­an din ng Kapuso viewers ang action scenes,” paniniguro ni Dingdong.

Pagalingan sina Dingdong at Dennis sa action scenes at natawa ang mga reporter sa nabanggit nitong hirap siyang habulin si Dennis sa mga eksenang kailangan nilang tumakbo. Mabilis daw kasing tumakbo si Dennis, samantalan­g siya, nakakatakb­o lang ‘pag hinahabol si Zia ‘pag naglalaro.

Hindi naman naiwasang matanong si Dingdong tungkol sa ratings ng Cain at Abel dahil katapat nila ang Ang Probinsyan­o ni Coco Martin.

“We all agree that the show of Coco is a league of its own at kami naman, hindi namin ginawa ang ‘Cain at Abel’ para makipagkum­petensya. Ginawa ng GMA-7 ang ‘Cain at Abel’ para sa Kapuso viewers, kaya ginawa at gagawin naman ang lahat para mapasaya at matuwa ang manonood. Ayaw naming papressure sa rating dahil ‘pag nagpa-pressure kami, hindi na kami makakapagt­rabaho nang maayos. Iyong pressure, sa trabaho na lang namin ilalagay,” paliwanag ni Dingdong.

Malaki ang Cain at Abel sa lahat ng aspeto at tatlo ang direktor, dahil bukod sa main director na si Don Michael Perez, guest directors din sina Mark Reyes at Toto Natividad.

Nagulat ang mga reporter kay Direk Toto dahil matagal siyang involved sa Ang Probinsyan­o, pero tapos na raw ang kontrata niya at nagpaalam siya kay Coco at sa ABS-CBN.

 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines