Balita

Si Aki ang unang niligawan ni Paolo—LJ Reyes

- Ni REGGEE BONOAN

KASAMA ni Paolo Contis ang love of his life na si LJ Reyes sa nakaraang premiere night ng Through Night and Day sa SM Cinema 1, nitong Lunes.

Hindi halatang pitong buwan nang buntis si LJ kasi medyo maliit ang tummy niya at biro niyang sagot sa amin, “ano ba gusto mo, ganito (sabay muwestra na sobrang laki).”

Ang saya at ang ganda ni LJ nu’ng gabi at halatang masaya at at peace siya sa piling ni Paolo.

“Oo kasi sobrang mabait, napakaresp­onsible. Wala akong masabi at sobrang kasundo sila ni Aki (anak nila ni Paulo Avelino),” bungad ni LJ sa amin.

Habang pinapanood daw nina LJ at Paolo ang Through Night and Day ay kinikilig ang una at sinabihan niya ang partner niya ng, ‘ang pogi mo ro’n.’ Hindi naman namin naitanong kung anong eksena.

As of this writing ay wala pang naisip na pangalan sina LJ at Paolo para sa baby girl nila, “due na nga, eh. Sabi nila dapat may name na kasi 7 months na, oh (sabay turo sa tummy).”

At dahil ngayon lang namin ulit nakita si LJ ay tinanong namin siya kung ano ang nagustuhan niya kay Paolo.

“Grabe, sobrang bait. Hindi halata, ha, ha, ha, ha. Actually, hindi ko alam na nagpapapan­sin na siya sa akin, na ‘yung pagdikit-dikit niya, ‘yun na pala. Wala naman kasing sinasabi.

“Alam mo kung sino ang niligawan niya, si Aki. Kinuha niya ang loob ng anak ko, e, di ano pa, nakuha na rin ang nanay, ha, ha, ha, ha,” tumatawang kuwento ni LJ.

Sabay hirit pa, “sabi ko nga sa kanya, ‘o paano ba ‘yan, babae na naman itong anak mo, alam mo na.”

May naunang dalawang anak na babae si Paolo sa asawang si Lian Paz na may ibang pamilya na rin.

Hindi pa raw nakikita ni LJ ang mga anak ng boyfriend niya dahil ay nasa Cebu ang mga ito sa piling ng kanilang ina.

Maging si Paolo ay hindi pa rin nakikita ang mga anak, “but it doesn’t mean na hindi niya iniisip sila, may nakatabi si Paolo for them. Ganu’n siya (Paolo), very responsibl­e,” pagmamalak­i ni LJ.

Open book naman na inaayos na nina Paolo at Liana ang annulment nila, “umuusad na ngayon, dati hindi, parang nahinto yata,”saad n LJ.

At sa tanong namin na kung sakaling wala nang bisa ang kasal ng aktor ay puwede na silang magpakasal, “definitely,” sabi ni LJ.

 ??  ?? LJ, Aki, at Paolo
LJ, Aki, at Paolo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines