Balita

Andrea, kinabahan sa sexy calendar

- Nitz Miralles

FOR sale na ang Christmas calendar na inilabas ni Andrea Torres para sa kanyang fans and for P800, mabibili na ang calendar na sariling produce ni Andrea, kasama ang photograph­er na si Jay Tablante na siya ring photograph­er sa kanyang pictorial. Table calendar ang ginawa niya Andrea at Jay at hindi na ito kailangang isabit pa sa inyong mga dingding. Puwedeng ilipat-lipat ng puwesto. May pasabog si Andrea sa calendar dahil may isang photo na topless siya.

“Para sa supporters at sa sumubaybay sa ‘Victor Magtanggol’ ang calendar. Vertical calendar siya at bukod sa may isang topless, may iba pa kaming sorpresa sa mga bibili. Noong una, kinabahan kami ni Jay na baka walang bumili, pero sa rami ng request, nawala ang kaba namin,” sabi ni Andrea.

Anyway, masaya si Andrea sa pagtatapos ng Victor Magtanggol dahil kahit may bashers siya, mas marami ang sumuporta sa kanya at mas marami ang natuwa sa pagganap niya sa karakter ng diyosang si Sif. Pati mga bata, naging fans niya, kaya natabunan ang bashers na wala nang ginawa kundi hanapan siya ng mali.

“Saka ‘yang mga basher, intindihin na lang natin sila. Ang importante, marami kaming napasaya at higit sa lahat, nakahanap ako ng bagong mga kaibigan at pamilya sa ‘Victor Magtanggol’. Nakakatuwa ang closeness namin at nagtatraba­ho kami bilang isang pamilya. On cam lang kaming magkakaawa­y, off cam, close kami, kaya nga mami-miss ko silang lahat,” pagtatapos ni Andrea.

 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines