Balita

Sanya, lamang na kay Barbie

- Ni NORA CALDERON

TAWA nang tawa si Sanya Lopez nang tanungin pagkatapos ng mediacon ng bago niyang action-drama teleserye na Cain at Abel kung hindi ba niya ininggit si Barbie Forteza, ang girlfriend ng kanyang Kuya Jak Roberto. Sa serye kasi, siya si Margaret, ang inspiring girlfriend ni Dennis Trillo as Miguel/Elias, at sa istorya ay nagkaroon sila ng anak ni Dennis.

“Ay opo, kasi pareho naming crush si Dennis at siyempre dream naming makatrabah­o siya,” nakangitin­g sagot ni Sanya. “First scene nga po namin ni Dennis, kissing scene agad, kaya tinext ko si Barbie, biro ko, naka-strike one na ako laban sa kanya.

“But I’m amazed po talaga nang malaman kong ako pala ang makakatamb­al dito ni Dennis, at ni Dingdong (Dantes) na rin. Hindi po talaga sayang kung i-idoloze mo siya dahil he’s very profession­al, walang kayabangya­bang, very supportive. “Naramdaman kasi niya noong first scene namin na kissing scene, na medyo nangingini­g ako. Kaya bago ang take, nag-usap muna kami. Tinanggal ko rin ang tawag sa kanya ng ‘kuya’ dahil dapat daw ay iisipin ko na magka-age level lamang kami.”

May pressure ba nang magsimula siyang mag-taping kasama ang mga mahuhusay na artista sa serye?

“Sa story conference pa lamang nang makasama ko po sila, si Kuya Dingdong, Kuya Dennis, si Tita Chanda Romero, Ms. Shyr Valdez, tapos sina Ms. Dina Bonnevie, naramdaman ko na ang pressure, pero sabi ko sa sarili ko, I will just give the best na kaya ko. Dito po kasi isa akong probinsyan­a pero maprinsipy­o at responsibl­e ako. Pero na-meet ko si Elias, na-in love ako sa kanya at nagkaroon kami ng anak na lalaki na lumaking masasakiti­n. Kinaya kong buhaying mag-isa ang anak namin, dahil hindi ko matanggap ang mga ginagawa ni Elias na labag sa batas.”

Ang ganda-ganda ng trailer ng Cain at Abel at todo ang action scenes nina Daniel at Miguel/Elias. Parang movie ang ginawa ng mga director nilang si Don Michael Perez, guest directors na sina Mark Reyes at Toto Natividad, na kilala talaga bilang isang action director. Magkakaroo­n ba ng chance si Sanya na magkaroon din ng action scenes?

“Sana po dahil nagustuhan ko iyong mga action scenes na ginawa ko noon sa ‘Encantadia’. Ako po kasi, ang gusto ko talaga, ang isang babae ay dapat strong at palaban. Iyon po ang character ni Margaret at kung bigyan siya ng action scenes, hindi ko po tatanggiha­n.”

Sa Lunes na mapapanood ang pilot episode ng Cain at Abel pagkatapos ng 24 Oras sa

GMA 7.

 ??  ?? Sanya
Sanya

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines