Balita

Harvey, kinasuhan ng rape ni Paz de la Huerta

-

NAGSAMPA ng kaso ang aktres na si Paz de la Huerta at inakusahan niya ang disgraced movie mogul na si Harvey Weinstein ng rape na naganap noong 2010, nitong Martes. Ayon sa kasong isinumite sa Los Angeles Superior Court, ginahasa umano ni Harvey si Paz nang dalawang beses sa New York noong Disyembre 2010, at ilang beses silang nagkausap sa telepono sa pagitan ng dalawang insidente.

Inihayag ng New York Police isang taon na ang nakalipas na iniimbesti­gahan nila ang mga alegasyon ni Paz. Wala pang charges ang naisampa sa naturang kaso ngunit nasampahan na ng rape si Harvey ng ibang babae.

Sa bagong alegasyon, nakasaad sa kaso na “the following month Weinstein exposed himself to the actress in a Beverly Hills hotel when she went to confront him.” Pinilit umano ni Harvey si Paz na makipagtal­ik sa kanya at sa isa pang babae.

Isang taon matapos ang insidente, sinibak si Paz sa HBO show na Boardwalk Empire, at ayon sa lawsuit, naniniwala siyang may kinalaman si Harvey sa pagpapatal­sik sa kanya.

Ang patunay nito ay ang kuhang larawan na lumabas sa The New York Times, kung saan lumalapit si Harvey kay Martin Scorsese, ang director at executive producer ng show, ilang linggo bago siya sinibak sa show.

Bumuwelta naman ang abogado ni Harvey, si Ben Brafman, at iginiit niya ang lack of charges sa New York, at sinabing Paz’ “newly minted version of events including her new California claims are equally prepostero­us and unfortunat­ely, the product of an unstable personalit­y with a vivid imaginatio­n,” sa isang email.

Wala pang komento tungkol dito ang mga kinatawan ni Martin, na hindi naman defendant sa kaso.

Inihayag ni Paz, 34, na sinira ni Harvey ang kanyang career sa halagang $60 million.

Ayon sa lawsuit, pinilit umano siya ni Harvey na makipagtal­ik sa kanyang apartment matapos nilang mag-party para ipagdiwang ang premiere ng palikulang Blue Valentine noong 2010, at binantaan siyang sisirain ang kanyang career kung hindi siya papayag, bago siya hinalay pagkaraan niyang tumanggi.

Mahigit 75 babae ang nagparatan­g kay Harvey, na naging isa sa pinakamaka­pangyariha­ng lalaki sa Hollywood, ng sexual assault at mga kahalintul­ad na gawain. Itinanggin­g lahat ito ni Harvey.

 ??  ?? Paz
Paz
 ??  ?? Harvey
Harvey

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines