Balita

Winner-Take-All sa NCAA Jr.

- Marivic Awitan

Laro Ngayon (MOA Arena, Pasay City) 2:00 p.m.- CSB-LSGH vs Mapua (jrs)

MAGTATANGK­A ang La Salle-Greenhills na magwagi ng back-to-back title habang hangad naman ng Mapua na pumatas sa San Beda bilang league’s most winningest high school team sa kanilang pagtutuos sa winnertake-all match para pag-agawan ang NCAA Season 94 juniors basketball tournament title.

Magtutuos ang Junior Blazers at ang Red Robins ganap na 2:00 ng hapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Naihirit ng Red Robins at isinagad ang finals series sa Game 3 matapos ang natamong 69-74 kabiguan sa series opener sa pamamagita­n ng 85-76 panalo nitong Martes sa Game 2.

Nag-step-up para sa injured nilang key player na si Vlint Escamis sina Dan Arches, Paolo Hernandez at Jonnel Policarpio upang patuloy na buhayin ang kanilang tsansa na makamit ang ika-22 titulo para makapantay sa San Beda.

“The player knows we have to win without our best player and I’m so proud that the team stepped up big in Game 2 to give us a chance at winning another championsh­ip,” pahayag ni Mapua coach Randy Alcantara.

Ayon pa kay Alcantara , natuto na sila sa kanilang mga naging pagkakamal­i sa nakalipas na finals.

“We need to really play intelligen­tly and keep away from foolish fouls that we committed last year,” aniya.

Samantala, sasandig naman ang LSGH, sa pamumuno ni season MVP Joel Cagulangan upang makamit ang asam na back-to-back crown.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines