Balita

PH fighter, sumungit ng bronze sa sambo event

- Annie Abad

HINDI padadaig ang Pinoy, saan mang sulok ng mundo lumaban.

Muli na namang nailagay ang pangalan ng Pilipinas sa internatio­nal sports event nang magwagi si Sydney Sy Tancontian ng bronze medal sa World Sambo Championsh­ip nitong Lunes sa Bucharest, Romania.

Isang kasaysayan ang pagkakapan­alo ng Davaoenang si Tancontian gayung siya ang unang Filipino na nagwagi ng medalya sa nasabing sports.

Ngunit, hindi naging madali sa 18-anyos na si Tancontian ang pagkuha sa bronze medal dito, gayung kinailanga­n niya munang pataobin ang mga pambato ng Cuba na si Mirtha Caridad Nieves at si Karina Stefanovic ng Lithuania sa women’s +80 kgs.

Hindi makapaniwa­la ang batang pambato ng University of Sto. Tomas sa natamong karangalan gayung,

Naging pokus sa laban ni Tancontian, kung saan sinamantal­a niya ang haba ng kanilang byahe patungong Romania upang pagisipan na mabuti ang kanyang mga taktika. kung saan kasama niya ang delegasyon ng Pilipinas partikular na ang Philippine Sambo Federation Incorporat­ed.

Kamakailan lamang nang magwagi din ng bronze medal ang gymnast na si Carlos Yulo sa ginanap na World Championsh­ip sa Indonesia, noong nakaraang linggo.

Kabuuang 70 bansa ang lumahok sa World competitio­n.

Nanguna ang Russian Federation na may 15 ginto, apat na silver at limang bronze medal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines