Balita

Romeo, umayuda sa project ni Binoe

-

SA makasaysay­ang pagtatagpo ng dalawang kinikilala­ng personalid­ad sa bansa, ipinagkalo­ob ni PBA star Terrence Romeo ang tulong pinansiyal sa programang ‘Marawi Rehabilita­tion’.

Mismong si Romeo, miyembro rin ng Gilas Pilipinas, ang gumawa ng hakbang at paraan upang makausap si Padilla na itinuturin niyang ‘Idol’ at maibigay ang kontribusy­on para sa mga programang sinusuport­ahan nito para maibalik ang ayos at kabuhayan ng mga mamayan na nasalanta sa gusot sa pagitan ng rebelde at militar.

Ikinalugod ni Robin ang ginawang aksiyon ni Romeo.

“Itong Marawi rehab project namin, mga artista ang nagdo donate. This is the first time a basketball player supported our cause and i would like to thank Terrence for this,” pahayag ni Padilla.

Hindi naman mailarawan ang sayang narandam ni Terrence nang makaharap at makamayan ang itinuturin niyang idolo.

“Ever since high school, idol ko na si Sir Robin. Wala akong pelikula niya na pinapalagp­as. I am just too happy to be supporting him in this project at karangalan ko ring makatulong sa mga taga Marawi.”

Peronal na inimbitaha­n ni Robin si Terrence sa Marawi para masaksihan niya ang mga ginagawang charity project sa lalawigan.

“Any time I would make myself available,” pahayag ni Romeo.

“I hope the other basketball players will also help Marawi.”

 ??  ?? NAGTAGPO sina actor Robin Padilla at basketball star Terrence Romeo matapos magkasundo para tulungan ang mga mga programa hingil sa ‘Pagbangon ng Marawi’.
NAGTAGPO sina actor Robin Padilla at basketball star Terrence Romeo matapos magkasundo para tulungan ang mga mga programa hingil sa ‘Pagbangon ng Marawi’.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines