Balita

Digong sa ‘power naps’: What’s wrong?

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

SINGAPORE – Sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang daluhan ang lahat ng mga kaganapan na itinakda sa huling araw ng 33rd Associatio­n of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at kaugnay na pagpupulon­g dito, matapos na lumiban sa karamihan ng mga kaganapan nitong Miyerkules.

Sa isang panayam sa Suntec Singapore Internatio­nal Convention and Exhibition Centre, idinepensa ni Duterte ang kanyang pagliban sa anim sa 11 kaganapan na itinakda nitong Miyerkules. Una nang ipinaliwan­ag ng Malacañang na ang “punishing schedule” ni Duterte ang nagpigil sa kanya na dumalo sa ilang Summits.

“Still not good enough but enough to sustain the endurance for the last days,” pahayag ni Duterte nang tanungin kung nagkaroon na siya nang sapat na tulog.

“What’s wrong with my nap? I do not eat breakfast and I’m sure you ladies know that,” dagdag niya.

Dumating si Duterte sa Convention Centre nitong Huwebes, para sa ASEANIndia Informal Breakfast Summit kasama ang mga kapwa niya Southeast Asian leaders at Indian Prime Minister Narendra Modi. Gayunman, wala siya sa photo opportunit­y at si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. ang dumalo para sa kanya.

Sa isang pahayag nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo na nagdesisyo­ns si Pangulong Duterte na lumiban sa ilang kaganapan upang magkaroon nang sapat na tulog dahil sa pagkakapuy­at sa pagdalo sa ilang trabaho nang hanggang 3:00 ng madaling araw.

“Last night, the President worked late and had only less than three hours of sleep. It is unfortunat­e that the first event scheduled today was at 8:30 a.m.,” aniya.

“In those instances where he did not attend... he took power naps to catch on sleep,” dagdag niya.

Gayunman, tiniyak ng Palace official na ang pagsliban ni Duterte ay walang kinalaman sa kanyang kalusugan.

“The President’s constantly punishing work schedule is proof that he is in top physical shape,” pahayag ni Panelo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines