Balita

Direk Toto, babanggain ang ‘Probinsyan­o’

- Reggee Bonoan

“PARANG mahigit dalawang buwan nang wala sa (FPJ’s Ang) Probinsyan­o si Direk Toto (Natividad), eh. So baka finished contract na siya?”

Ito ang sinabi sa amin ng taga-Dos na hiningan namin ng komento kasunod ng paglipat ng direktor sa GMA-7 para idirek ang bagong primetime teleserye roon na Cain at Abel.

Binanggit namin sa kausap naming ABS-CBN executive na dumalo pa sa presscon ng Cain at Abel si Direk Toto, at nabanggit mismo ng direktor na pumirma siya ng released contract sa Dreamscape Entertainm­ent, ang producer ng

Ang Probinsyan­o, kaya puwede na talaga siyang tumawid sa Kapuso network.

“Ah, nagpa-release, hindi finished contract pala? Well, baka naman kasi naghanap ng mas mataas ng talent fee or something? Hindi namin alam, eh. Hindi naman nakarating sa akin ang kuwento,”sabi ng executive na kausap namin.

Pero base sa pagkakaala­m ng kausap namin ay baka naghanap nga ng ibang show si Direk Toto. Baka raw gusto nito ng bagong ginagawa o nagsawa na sa Ang Probinsyan­o, na tatlong taon nang umeere sa telebisyon.

Pero may isa pa kaming napagtanun­gan na kapag

tatawagan o may ibang si commitment, Direk Toto for kaya a shoot siguro ay hindi hindi raw ito available, na rin ito regular na nagdidirek sa top-rating action series ni Coco Martin.

sina Technicall­y Si Enzo Direk Williams, Malu ay raw may Malu ang tatlong in-charge Sevilla, direktor at sa Coco. Metro Manila scenes, ang Ang Probinsyan­o: tulad at Joel kina Torre. Edu Kapag Manzano, may action Susan scenes Roces, sa Roderick Paulate, Metro Manila ay kasama ni Direk Malu si Direk Enzo.

Samantalan­g, sa bundok scenes (Tanay , Rizal) naman direktor si Coco, na mahy assistant director.

Hindi naman daw isyu kung si Direk Toto ang magdidirek ng programang katapat ng Ang Probinsyan­o.

“Okay lang ‘yun, hindi naman exclusive si Direk Toto sa ABS; maski naman sino puwedeng gawin kung saan puwedeng kumita. This is showbiz, ikutan nang ikutan lang ‘yan, Reggee,” sabi pa sa amin ng taga-Dos.

Tinanong na rin namin ang executive kung anong masasabi niya na ika-16 show na ng GMA 7 ang Cain at Abel na ipinantapa­t kay Cardo Dalisay.

“E, di wow!” natawang sagot sa amin.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines