Balita

MMDA constable, huli sa ‘pangingiki­l’ ng R20K

- Ni ALEXANDRIA SAN JUAN

Arestado sa extortion ang isang traffic constable ng Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) matapos umanong kikilan ng P20,000 ang isang delivery van driver kapalit ng hindi pag-impound ng sasakyan nito na sinasabing colorum sa Quezon City, nitong Miyerkules.

Kinilala ni Supt. Ophelio Concina, Jr., hepe ng Quezon City Police District Project 4 Police Station (PS-8), ang suspek na si Jonel Pollos, 26, MMDA personnel, at residente ng Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Bago ang pag-aresto, nagtungo ang complainan­t na si Mary Joy Labro, 46, sa police station upang i-report si Pollos na umano’y nanghingi ng P20,000 upang hindi ma-impound ang kanyang delivery van.

Sinabi ni case investigat­or PO3 Juanito Dimaligali­g na ayon kay Labro ay inaresto ni Pollos ang kanyang driver na si Roderick Datun sa Katipunan Avenue, dahil ang minamaneho nitong Mitsubishi L300 van na ginagamit sa pagdideliv­er ay sinasabing colorum noong Nobyembre 13, dakong 11:00 ng gabi.

Sinabihan umano ni Pollos ang driver na kailangan i-impound ang kanyang sasakyan kaya tinawagan ni Datun ang kanyang amo.

Habang nakikipag-usap si Labro sa traffic personnel, humingi na umano ng pera ang huli.

Matapos na mag-usap, nagpasaklo­lo ang complainan­t sa mga awtoridad at agad nagsagawa ng entrapment operation laban sa suspek.

Sa ganap na 12:30 ng madaling araw nitong Miyerkules, nakipagkit­a si Labro kay Pollos sa tapat ng isang supermarke­t sa P. Tuazon Boulevard kung saan niya inabot ang P1,800 entrapment money, na naging sanhi ng pagkakaare­sto ng suspek.

Hawak na ng awtoridad si Pollos habang inihahanda ang kasong robbery extortion laban sa kanya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines