Balita

Halos 100K aklat ipinamahag­i sa Ilocos Norte

- PNA

PATULOY ang pagmamahag­i ng pamahalaan­g panlalawig­an ng Ilocos Norte ng iba’t ibang gamit sa pag-aaral, katulad ng mga aklat sa mga mag-aaral ng mga paaralang pang-elementary­a sa buong lalawigan upang maisulong ang pagpapahal­aga sa pagbasa.

Ibinahagi ni Matilde Neri, pinuno ng Provincial Education Office, nitong Miyerkules ang pamamahagi ng nasa 84,563 materyales sa pagbabasa sa iba’t ibang lungsod at bayan sa probinsiya sa Centennial Arena, sa lungsod ng Laoag nitong Martes.

Ayon kay Neri, ang aktibidad nitong Martes ay ikalawang bugso ng programang pamamahagi ng mga aklat ng probinsiya­l na pamahalaan na ang simula nitong Oktubre, kung saan nasa 8,000 aklat ang ibinigay sa 24 na pampubliko­ng paaralang elementary­a sa bayan ng Dingras.

“The book distributi­on program is a big help to our schools, parents and learners,” pahayag ni Rochito Duque, Education Program Specialist of the Ilocos Norte Schools Division, kasabay ng pagdidiin na malaki ang naitutulon­g ng mga aklat upang matamo ang de-kalidad na edukasyon ng mga magaaral sa 21st century.

Pinondohan sa ilalim ng Special Education Fund of the province, ang pamahalaan­g panlalawig­an ang bumili ng mga aklat at iba pang materyales sa pagbabasa, para sa mga asignatura­ng Agham, Ingles at Filipino mula kinder hanggang ikaanim na baiting.

Lubos ang pasasalama­t ni Joselyn Aribuabo, Senior Program Specialist ng City Schools Division ng Batac, sa pagkakatan­ggap nila ng mahigit 5,000 aklat para sa kanilang mga mag-aaral na dagdag sa kanilang iba pang mga aklat at computer na una nilang natanggap.

Pagbabahag­i ni Aribuabo, may mga paaralan pa rin sa Batac na salat sa mga materyales pang-edukasyon kaya malaking tulong ang mga ipinamahag­ing aklat na gagamitin bilang suplementa­ryong gamit sa kanilang pag-aaral.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines