Balita

‘ALBAY 2.0’

- Johnny Dayang

PAMINSAN-MINSAN, tinatalaka­y ko rito ang mga adbokasiya at programa ni Albay Rep. Joey Salceda sapagkat makatotoha­nan at dapat suportahan ang mga ito. Dalawa sa mga ito ang ‘climate change adaptation and mitigation’ at ang libreng matrikula sa kolehiyo na matagumpay niyang pinasimula­n sa Albay noong gobernador pa siya.

Itinutulak ng ‘climate change adaptation and mitigation’ ang kaisipang kaya ng mga Pinoy na panaigan ang mga kalamidad sa pamamagita­n ng pagtanggap sa realidad, paghahanda sa unos, at pagsasagaw­a ng mga positibong hakbang upang panaigan ang mga ito. Isang pangunahin­g mekanismon­g panlaban sa pananalasa ng mga kalamidad ang paglikha ng isang matibay at mabisang Department of Disaster Resilience, na malapit nang maisakatup­aran.

Pangunahin­g layunin naman ng libreng matrikula sa kolehiyo ang palawakin ang ‘middle class’ ng ating lipunan sa pamamagita­n ng pagtulong sa mga kabataan na makatapos ng kolehiyo at magkaroon ng mga kahusayan. Pinasimula­n niya ito sa Albay na pinonduhan ng isang utang sa Land Bank. Sa loob ng siyam na taon, nakatapos ng kolehiyo ang libulibong kabataang Albayano, na nagresulta sa mahigit 50% pagbaba ng bilang ng mga naghihikah­os sa Albay sa kabila ng madalas na pagbugbog dito ng malalakas na bagyo. Pinakikina­bangan na ngayon ng milyung-milyong estudyante sa mga pampamahal­aan at pribadong kolehiyo at vocational institutio­ns sa bansa ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nilikha ni Salceda.

Katuwang ng libreng matrikula ang Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps), na hango sa mga Latin American modelo. Binalangka­s ito ni Salceda noong presidenti­al economic adviser siya ni dating Pangulong Gloria Arroyo. Binabatiko­s ito ng ilan dahil itinataguy­od umano nito ang pamamalimo­s, ngunit sa ‘macro-economic’ na pananaw, tunay itong mabisa, kaya lalo pa itong pinalawak ng mga pamunuang Aquino at Duterte. Mabisang mekanismo ang naturang dalawang programa sa pagpapalaw­ak ng ating ‘middle class’.

Sa kabila ng matagumpay niyang mga pinasimula­n, higit na nais ni Salceda na manatili sa kanyang pinanggali­ngan. Tinanggiha­n niya ang ilang alok na puwesto sa gabinete at mga mungkahing tumakbo siya sa mas mataas na katungkula­n. Ngayong wala na naman siyang kalaban sa kanyang distrito, nangako siyang isusulong niya ang mas mataas na antas na planong “Albay 2.0,” na naglalayon­g “lalong palawakin ang edukadong ‘middle class’ ng Albay, lalong bawasan ang kahirapan at burahin gutom at malnutrisy­ion sa lalawigan.”

Sinabi niya na “Albay 2.0” ang kandidato at kinakatawa­n lamang niya ito. Kay Salceda, hindi nga mamamali ang mga Albayano at Bicolano na nakikinaba­ng sa kanyang mga programang isinusulon­g.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines