Balita

Toto Natividad, tatapat ang nilayasang serye

- Ni NORA V. CALDERON

SA mediacon ng bagong primetime action-drama series na Cain at Abel, nagulat ang mga press nang makita roon ang mahusay na action director na si Toto Natividad. May sumagot na bakit mapupunta sa presscon ng GMA Network si Direk Toto, na alam ng lahat na direktor ng FPJ’s Ang Probinsyan­o ni Coco Martin sa Channel 2.

May nagsabi pa nga na baka hindi naman si Direk Toto iyon.

Nang isa-isa nang i-introduce ang buong cast at pagkatapos ang mga director, saka lang napatunaya­n na si Direk Toto Natividad nga iyon. Ang pakilala sa kanya ng host na si Patricia Tumulak, guest director si Direk Toto.

Bakit siya umalis sa ABSCBN?

“Nagpa-release na ako sa contract ko sa ABS-CBN,” kuwento ni Direk Toto. “Nag-sign ako ng release contract. Malinis ang konsensiya ko, nagpaalam naman ako sa kanila. At masaya ako na i-share naman sa GMA ang talent ko, gusto kong magcontrib­ute

ng kaalaman ko. “Gusto ko munang maipanotar­yo ang mga dokumento ko kaya sinabi kong ‘guest director’ muna ako. Kapag nai-submit ko na ang papers ko, saka na ako magiging director talaga ng Cain at Abel.”

Alam namin na marami nang nagawang action movies and action TV series si Direk Toto, pero pareho silang nagsimula ni Direk Joyce Bernal bilang film editors, kaya maraming pumupuri sa kanila na mahuhusay palang action directors ang mga film editors na tulad nila. Sa full trailer pa lang ng Cain

at Abel ay napakagand­a na ng execution ng mga action scenes, at tiyak na mas magaganda at mga pasabog na eksena pa ang mapapanood sa action series, na pinagbibid­ahan nina Primetime King

Dingdong Dantes at Drama King

Dennis Trillo.

Mapapanood sila pagkatapos ng 24

Oras simula sa Monday, November 19.

 ??  ?? Direk Toto
Direk Toto

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines