Balita

Gender ng baby ng DongYan, sa birthday ni Zia ire-reveal

- Nora V. Calderon

ALAM na ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang gender ng coming baby nila, pero hindi pa ito ni-reveal ni Dingdong sa mediacon ng bago nilang actiondram­a serye na Cain at Abel ni Dennis Trillo.

Noon kasing presscon ni Marian ng Nailandia, sinabi niyang sa November 20 ang susunod niyang check-up at doon na malalaman kung boy or girl ang magiging baby nila.

Pero iyon nga, ayaw namang sabihin ni Dingdong. Tumawa lamang siya nang tanungin kung alin ba ang gusto niyang ipangalan sa baby, kung ‘Cain’ o ‘Abel.’ Naexcite ba siya nang malaman niya kung ano na ang gender ng baby?

“Actually, nang malaman kong buntis si Yan, na-excite na ako,” sabi ni Dingdong. “Kahit anong ibigay Niya, tatanggapi­n namin. At nagsimula na rin kaming ituro kay Zia na magiging ‘Ate’ na siya. Ewan ko kung at three years old, naiintindi­han ni Zia ang ibig sabihin ng ‘Ate’ na siya ngayon. Pero natutuwa siya kapag tinatawag namin siyang ‘Ate Zia.’

“Sa third birthday ni Zia sa November 23 na namin iri-reveal ng gender ng baby, sabay na ng simple birthday party niya.”

So, talagang ang main reason na hindi siya tumuloy tumakbo sa local election sa 2019 ay dahil sa pagkakaroo­n nila ng baby ni Marian?

“Opo. Parang hindi ko maisip na wala ako sa tabi ni Yan habang nagsisilan­g siya ng second baby namin. Kasi by April or May siya magsisilan­g, tamang-tamang election campaign, paano ako mangangamp­anya kung sila ang inaalala ko?”

Sa November 19 na magsisimul­a ang Cain at Abel at isa pa ito sa masasabay sa kampanya kung tumuloy siya, maapektuha­n ang serye.

Sa full trailer pa lamang ng serye ay kitang-kita mo na kung paano ito ginawa ni Director Don Michael Perez at ng mga guest directors na sina Mark Reyes at Toto Natividad. Todo-todong action talaga ang ginawa nina Dingdong at Dennis.

Leading lady ni Dingdong sa Cain at Abel sina Solenn Heussaff na nakasama niya sa Alyas Robinhood 2 at si Sanya Lopez na katambal ni Dennis.

Pilot telecast na nila sa Monday, November 19 pagkatapos ng 24 Oras.

 ??  ?? Dingdong
Dingdong

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines