Balita

CPR-Ready Philippine­s, target ng Philippine Heart Associatio­n

- PNA

IN I L U N S A D ng Philippine Heart Associatio­n (PHA) ang CPR on Wheels and Wings (CWW) Caravan sa Zamboanga kamakailan.

Layunin ng caravan na ihanda at turuan ang mga indibiduwa­l gaya ng mga pulis, barangay officials at staff, at mga tourism worker ng cardiopulm­onary resuscitat­ion (CPR).

Isinagawa ng mga trainee ang CWW Caravan sa Western Mindanao State University (WMSU) kabilang ang mga health worker, estudyante, tanod, pulis at opisyal ng barangay.

“Since these people are always out on the streets, they are the first witnesses or respondent­s to health emegencies, like sudden cardiac arrest (SDA) or drowning cases,” lahad ni Dr. Francis Lavapie, chairperso­n ng PHA council on CPR.

Ayon kay Dr. Francis, ang aktibidad ay bahagi ng taunang sabay-sabay na pagsasagaw­a ng Nationwide Mass CPR Training , na pinasimula­n ng PHA at sinundan ng Department of Health (DoH).

Pahayag naman ni Dr. Kristine Hashim Bantala-Supnet, pangulo ng PHA 9 (Zamboanga Peninsula) chapter, layunin ng PHA na makalikha ng kahit isang miyembro ng pamilya na marunong magCPR sa isang CPR-Ready community at kilalanin ang Pilipinas sa CPR-Ready sa taong 2021. Layunin din nitong ibilang ang Pilipinas sa hanay ng mga bansang CPR-Ready sa mapa.

Sa kabilang banda, ang goal ng DoH ay makagawa ng 20 milyon mula 106 milyon Pilipino na CPR-Ready sa taong 2021.

“We all share the goal in making Zamboanga CPR-equipped and in playing a key role in putting the CPR-ReadyPh.21 Campaign a notch higher,” sabi ni Dr, Kristine.

“We are keen on bringing CPR to every Filipino home by making at least one family member in every household CPR-savvy,” dagdag pa niya.

“Training and tapping people from various sectors will inspire and motivate every man on the street that he or she can be a rescuer and not a mere bystander or onlooker,” sabi pa ni Dr. Francis.

Sa kasalukuya­n, naisagawa na ang PHA CWW sa 23 lugar at nakapagsan­ay na ng aabot sa 110,000 katao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines